Capitulum 067

11.3K 355 13
                                    

Giniya ako ni Tereza papunta sa ikaapat na palapag ng bahay. It was the topmost floor. The corridor was dimly lit with yellow lights on the ceiling. Ang liwanag mula sa buwan ay nakasilip din sa mga bintanang nakahilera, tig-iisang metro lamang ang layo ng mga ito sa bawat isa. There were cream see-through curtains with floral embroideries.

Sumilip ako sa bintanang nadaanan namin at walang ibang nakita kundi ang matayog na pader na siyang nagtatakip sa kabuuan ng isla at karagatan. Aside from that, there was nothing but a creepy and total darkness.

Tumigil na kaming maglakad ni Tereza. Humarap siya sa pintong nasa gilid niya at pinihit ang busol nito, "ito po ang kwarto n'yo, Ms. Lucent." She gestured her hand for me to walk in first. I gave her a friendly smile and walked pass her.

Nang nasa loob na ako ng kwarto ay binuksan ni Tereza ang ilaw. My eyes adjusted to the sudden light. Nang mas naging malinaw ang kwarto ay halos kumislap ang aking mga mata. The room really felt like it was my room.

May mga larawan akong nakasabit sa bawat sulok ng pader. There were framed pictures and portraits of me from childhood to maturity. Hindi ko alam kung paano nakuha ito ng aking mga lolo pero naisip ko na baka kagagawan ito ni Magento dahil naging lihim na espiya siya ng pamilya ng aking ina patungkol sa akin.

It felt like my grandparents were watching me from birth. I felt touched, but I also felt a little bit creeped off.

I took my heels off. I almost praised the lord as I felt the muscles of my toe feel relaxed and freed. Tinanggal ko na rin ang tali ng aking corset sa likod ng aking bestida, mas nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"May mga damit ka sa iyong aparador, Ms. Lucent." Tinuro ni Tereza ang aparador sa tabi. It was large in width and length. Tumungo ako roon at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang iba't ibang mga damit na nakatupi, may iba naman na nakalagay sa hanger. I was quite amazed to notice that everything seems to be just on my perfect size. "Ang wardrobe na iyan ay updated. Sigurista kasi si Don Hidalgo."

I looked at Tereza, hindi ko alam pero may ibang pakiramdam ako sa kanya. It feels like she has something on her mind which is of great importance to me. Para bang nagdadalawang-isip siya patungkol sa isang bagay. It won't hurt to ask her about it, right? Maybe that's all she needs so that she spills whatever it is.

"Is there something you wish to tell me, Tereza?"

Parang namutla si Tereza dahil sa aking tanong, she played with her fingers and looked down, halatang tinablan siya ng kaba dahil sa aking tanong. Namuo na rin ng pawis sa kanyang noo.

"Are you okay?" I asked, worried. Mukhang may nasabi ako na hindi maganda. Did I just trigger something about her troubles? Maybe I should have just shut my mouth.

"S-Sorry, Ms. Lucent." Kinagat ni Tereza ang babang-labi niya, "wala po akong nais sabihin sa iyo, nasabi ko naman na ang lahat ng dapat..." she mumbled.

"Tereza," naglakad na ako palapit sa kanya. Bahagya naman siyang natigilan habang lumiliit ang distansya sa aming pagitan. "I know you want to tell me something. What is it?" I pressed.

"Hanggang dito na lang, Ms. Lucent. Maiwan na kita para magpahinga ka. Malalim na rin kasi ang gabi. Paalam po." Yumuko si Tereza at nagmadaling umalis sa aking kwarto, halatang iniiwasan niya ang aking tanong. Umiling na lang ako. Since I was already alone, I locked my room. I felt relieved to finally have my moment of solitude, just as what I needed.

Hinubad ko na ang aking suot na itim na bestida. It felt good for my body to be finally out of this fitted gown, it's just saddening since this grand masterpiece is deformed in its old shape. Nasira dahil pinilit ko iyon sa bintana kanina noong tinakasan ko si Raphael.

Hindi ko pa rin maiwasan na maisip ang kaso ni Tereza. Hindi ko alam kung bakit, I just shoved the thought away. Whatever it is that must be troubling her, it's probably not my business. So I shouldn't pry anymore. Hindi ko naman ugali na makialam sa kung ano mang nangyayari sa ibang tao.

Gaya nga ng kasabihan, mind your own business.

Muli akong bumalik sa aparador at nagpili ng susuotin. Kumuha ako ng simpleng padyama at kasuotan panloob. Tumungo ako sa banyo ng aking kwarto, may twalya na roon na nakasabit. I put my nightwear beside and slid myself into the bathtub. I pulled the waterproof curtain and turned on the heater, afterwards, I turned the shower on.

Pinakiramdaman ko ang bawat butil ng tubig na bumabagsak sa aking katawan, water streamed down on my physique like a heavy rain, ang tubig na rumaragasa ay mainit. It somehow managed to massage my tensed muscles. Sobrang maraming nangyari sa gabing ito. Parang ilang oras lang bago nito ay nasa poder pa rin ako ni Raphael.

I got used to my life as his wife, kaya naninibago na naman ako. It feels like I am having this new-house phobia. I feel paranoid but I should have no reason to be anymore.

I sighed. Pinikit ko na ang aking mga mata at dinama ang mainit na tubig sa aking katawan. I washed my body off with the dirt and sweat that I garnered from tonight. Habang nakatingin ako sa aking baba ay hindi ko maiwasang mapansin ang aking tyan. Bahagyang nakaumbok ito, did I gain weight?

Dumapo ang aking kamay sa aking tyan, alam ko agad na hindi bilbil ito. Kumunot ang aking noo nang maalala na halos dalawang linggo na rin ang antala ng pagdurugo ko.

Sobrang maraming naglaro na posibilidad sa aking isip sa mga sandaling ito, pero lahat ng mga ito'y tumungo sa isang konklusyon.

I'm carrying Raphael's baby.

"Holy fuck..." I gulped.

Knight in Shining TuxedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon