Capitulum 050

13.5K 416 8
                                    

I took my leisure time reading. Naalala ko na hindi pa pala nag-aalmusal si Raphael at medyo tumatama na sa akin ang gutom. Nagpaalam naman ako sa kanya para kumuha ng makakain ngunit hindi niya ako pinansin. Sa halip, nagpakaabala lang siya sa pagtitipa sa kanyang laptop. Nakasuot na rin siya ng salamin gaya ng dati. He is immersed again with his work.

Tumungo ako sa kusina at nagluto ng instant noodles. Mabuti na lang at may maanghang na flavor. Iyon ang pinili ko, syempre. Kumuha rin ako ng isang dosenang saging at nagtimpla ako ng kape. Hindi ko na nilagyan pa ng asukal dahil gaya ng sabi ni Raphael, he likes his coffee bitter. Kumuha rin ako ng pitsel na puno ng tubig. After finishing, I put my product at the metal tray and went back to his office.

I swiftly held the tray with my right hand and twisted the doorknob with my free hand. Afterwards, I held the heavy tray again with both hands and slid myself inside. I closed the door with my foot and approached Raphael who was busying himself with his laptop.

"Let's eat."

"Later." Aniya.

"Now." Pagdidiin ko. "Nagluto ako ng noodles at pinagtimplahan kita ng kape. Kapag mamaya pa ay malamig na ang mga ito. Hindi na masarap kapag malamig."

"Okay." He said. I smiled at him and put the tray down on his table. He cleared his desk again and put the stuffs at his drawer.

I put the bowl of noodles in front of him and gave him chopsticks. I slid his coffee there too. I took my noodles too and started eating. Wow! Ang sarap! Napakaanghang! I love it!

Tumingin ako kay Raphael na umihip muna sa mainit na noodles. Pagkatapos ay hinigop niya ang sabaw nito. Tumigil siya nang bahagya at tila pinagpawisan. Namula rin agad ang kanyang mukha.

"Hot." He said fanned himself using his fingers. "You didn't warn me that it was spicy." He hissed.

"Ah, oo, maanghang pala." Sagot ko naman at humigop din sa sabaw ng miki. Naubos ko agad ang akin. Tinitigan ko lang ang miki ni Raphael na hindi na niya ginalaw pa.

"You can take it." He said as he took a sip with his bitter coffee.

I smiled at him and took the meal. Huwag nang tanggihan ang grasya. Kinain ko na ang maanghang na noodles. Hindi nakatulong ang pagkasanay ko sa anghang. I really crave for that burning sensation in my mouth. Nang naubos ko na iyon ay nagbalat ako ng saging at kumain din nito.

Bumalik si Raphael sa kanyang pagtitipa sa kanyang laptop. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng saging. Nang naubos ko ang isang dosenang mga saging ay uminom na ako ng tubig. Mukhang naubos na rin ng kasama ko ang kanyang kape kaya naman nagligpit na ako. Nilagay ko sa bandeha ang lahat ng kalat at lumabas na. Saktong nasa pasilyo naman ako ay may nakita akong katulong na naglalakad. Nang nakita niya ako ay lumapit siya at saka kinuha ang bandeha sa aking kamay. Nagpasalamat naman ako. She saved me from the trouble of going down myself.

Bumalik ako sa opisina at gaya ng dati, si Raphael ay abala sa kanyang laptop. Nagpakaabala na rin ako sa libro. Wala naman ako masyadong naintindihan dahil hindi ako mapakali. I am excited and worried at the same time... I am about to meet the Ten Lords and Raphael's advisor. Of course, I am nervous!

Sinara ko ang libro at tumitig kay Raphael. Hindi ko na namalayan pa ang oras. I just stared at him. Tumunog ang kanyang relo. Parang nabuhayan naman si Raphael at sinara na niya ang laptop niya. Tumayo siya at tumingin sa akin, as if telling me it's time. Wow. Ganoon ba ako katagal na tumitig sa kanya?

Naglakad si Raphael papunta sa likod niya. He gripped on the golden light that was fixed on the wall and turned it upside down. Kasabay nito ay ang paggalaw ng kanang pader ng silid pababa, revealing a varnished door in the process. I gawked, amazed. Naglakad si Raphael papunta roon at tumingin sa akin. "Come on." He said.

Knight in Shining TuxedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon