Chapter Twelve *Lucid Interval*

8 1 0
                                    

Chapter Twelve

Lucid Interval

MIKAN'S POV

"Okay class, that's all for today."

Yan na sigruro ang favorite line ng bawat estudyante: ang signal na tapos na ang klase. In other words...FREEDOM!!!! Lalo na kung last class mo na, kagaya ngayong, last class ko na itong Econ so...YES! MALAYA NA AKO!

Sinundan ko yung kumpol ng mga estudyante na palabas ng classroom. Sa wakas! Tapos na ang hell week! Parteh parteh!

Lilingon na sana ako paharap kay Kaiden na kaklase ko-- pero bigla kong naalala na wala nga pala siya, pinatawag dahil sa business chuchu ng family niya. Haay. Hirap talagang maging tagapagmana ng isang malaking kumpanya, lagi kang busy, kahit school life mo nagagambala. Isang linggo na nga siyang hindi pumapasok eh, maglelate exam na lang daw siya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong... hindi ko alam. Nung naisip ko na isang linggo na kaming hindi nagkikita, parang dinaganan ako ng mabigat na sako o ano. Ang...lungkot.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko. "Ano ba yan Mikan! Para ka na namang tungak diyan! Eh ano naman ngayon kung wala si Kaiden?! Okay nga eh, walang nangiinis sa yo!"

Pero wala, andun pa rin yung lungkot. Miss na miss ko na nga siya...

WAAAAAAAAH! Ano ba tong naiisip ko?!

Habang naglalakad pabalik sa dorm, inilabas ko ang cellphone ko. Umaasa kasi ako na magtext siya...kaso wala eh. Hindi ko alam kung bakit hindi man lamang siya magparamdam. Ni kina Lawrence nga o kahit kay Gabriel wala siyang communication for one week. Ano ba naman yung maghello ka paminsan-minsan diba? Isang text lang di niya magawa. Feeling ko tuloy hindi niya ako rival eh! Argh! Pagsasabihan ko talaga siya pagbalik niya.

"Miss, excuse me," biglang may humawak na lalaki sa braso ko.

"Bakit?" Tanong ko sa guy, medyo naguguluhan ako. Matangkad siya at nakahood, kaya hindi ko makita ang mukha niya, pero parang pamilyar. "May kailangan ka ba?"

"Yes...IKAW."

O___O

Bigla akong natakot. WAAAAH! S-Sino siya? Ano siya? Kidnapper kaya siya na ibebenta ako sa slavery or sa mafia? Rapist? O...h-hindi kaya--

Bampira siya? Yung parang sa The Vampire Diaries at Twilight? Yung tipong gagawin akong pagkain? Cannibal? Waaaaah! Ayoko! Ayoko! Ayoko!

"EEEEEEEK! BITAWAN MO AKO IKAW BAMPIRA KA!"

"What-- OUCH!" tumilapon siya patalikod at napahandusay sa sahig. Sinipa ko kasi siya.

"Yan ang nababagay sa'yo, bampira ka! Tulong! Bampira! TULOOOOO--"

"Ano ba! Tumahimik ka nga!" sabi nung lalaki sabay takip sa bibig ko, pero pilit pa rin ako nagsisisigaw at kumakawala. "Hey-- OUCH-- "

"Waaaah! Mommy! Ayoko pang mamatay! Ayokong maging pagkain ng mga cannibal!"

"Patay?! Cannibal?!" naguguluhang tanong nung guy. "Ano bang akala mo sa akin? Wala akong masamang balak sa yo! 'Di mo na ba ako naaalala, ako si-- OUCH-- "

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!TUULLOOOOONNNNNGGGG!"

"MIKAN SARAH SCHULDTZ! Ako ito, SI GINO!"

Natigilan ako. Teka, pamilyar yung pangalan. Gino...saan ko nga ba...

*lightbulb

"AY! Hi Gino!" masayang bati ko sa kanya sabay kawala. "Ikaw lang pala yan, ba't di mo naman agad kasi sinabi?"

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 13, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Perfectly Matched! [Revising]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora