Chapter One *Before it all started*

47 2 0
                                    

CHAPTER ONE

Before it all started 

Ang hirap magsulat ng storya.

"ARGH! AYOKO NA! DI KO KAYA! MABABALIW NA AKO KAIISIP NG OPENING LINE!" 'yan, napasigaw tuloy ako. Kaso nabulabog naman yung roommate ko.

"Ces? Anong problema?" Mula sa pagkakahiga niya, agad na napatayo si Mikan. As usual, na-activate nanaman ang medyo pagka-OA niyang mga teorya. "Pinasok ba tayo ng magnanakaw? Inaatake na ba nang China ang Pilipinas? Kinukulam ka ba?"

"Hindi, hindi, at lalong hindi," paghihinahon ko sa kanya. "At paano ko naman malalaman kung nakulam ako?"

"Ewan ko!" Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Takot na takot ang mga mata niya. "Nagdidiliryo ka ba? Nagsusuka ka ba ng mga insekto?"

Teka Mikan - YUCK, ano bang pinagsasabi mo-"

"Sabi ko na eh! Ces, bakit di ka nagiingat? Huhu, saan tayo hahanap ng albularyo sa NCR?"

"Mikan, wait, hindi-"

"Meron ata sa Tarlac. O sa Cavite ba yun? Pero baka hindi totoo yun. Pari na lang kaya? O yung mga tao sa senado? Kung yung pera nga kaya nilang magickin, siguro naman-"

"MIKAN! HINDI AKO KINUKULAM!" sumigaw na ako, baka humantong pa to sa pagdala niya sa akin sa senado. Matrending pa kami sa twitter. Knowing Mikan, baka gawin niya talaga yun.

"Hindi ka kinukulam?" paglilinaw niya.

"Hindi."

"Sure ka?" O___O

"Sure na sure."

"Eh, ba't ka napasigaw?" pagtataka niya, sabay upo sa kama.

Napabuntong-hininga ako. "'Di kasi ako makapag-isip ng maayos na simula para sa story ko."

"Ha? Eh tatlong araw mo nang pinagtatrabahuhan yan ha? Wala pa rin?"

"Wala eh," nalungkot ako. Bakit ba kasi ang hirap hirap simulan ang isang story? Paano nagagawa ng mga ibang tao yun? Bakit ako, hindi ko magawa? Paano ko na matutupad ang pangarap kong maging fiction-story author?

As usual, optimistic view ang roommate ko. "Kaya mo 'yan! Masusulat mo din." Sabi niya, sabay ngiti. Napangiti din ako. Nakakahawa talaga ang cheerfulness niya.

"Siguro nga, pero hindi ngayong gabi," sinara ko na ang laptop ko. "Matulog ka na uli. Pasensya na, naggising ka pa tuloy."

Ako nga pala si Francesca "Ces" Verer. First year college student. Pangarap maging isang scientist at writer, pero so far hindi pa rin ako nalalapit sa pagkamit ng either one. Paano, gusto ng parents ko maglawyer ako, at hindi nila ineencourage ang kagustuhan kong magsulat. Distraction lang daw 'to sa pag-aaral. Magfocus na lang daw ako para makapag-shift ako sa isang Pre-Law course next sem. Eh sa kung ayoko ngang maglawyer, ang pangarap ko nga kasi mag-scientist.

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now