Chapter Ten *The Ball (Part Three)*

25 3 3
                                    

CHAPTER TEN

The Ball (Part 3)

 

 

RENCE POV

=___=

Sobra na sa kadramahan ang gabing ito ah.

Una, si Kaiden dumating kasama ni Charlotte Vandersen, pero iniwan din niya ito ng masprain si Mikan habang nagsasayawan ang lahat. Binuhat pa niya ito paalis ng ball, at sa harapan pa talaga ng mga sikat, mayayaman at makapangyarihang madla sa Pilipinas. Nagtrending topic pa nga sila sa twitter at may nagpost pa ng picture nila sa Instagram at Facebook. Kung saan man dinala ni Kaiden si Mikan, hindi ko alam, at pinagchi-chismisan pa rin ng mga tao hanggang ngayon.

Tapos, nagsuntukan sina Gabriel at Yohann dahil kay Dianna. Nakigulo pa si Stephen. In the end, na-break up din yung fight, but I'm pretty sure that this isn't the last time that we'll be seeing Yohann. Buti na lang at walang nakakita... hopefully.

Then, nahulog si Lavender sa pool. Akala daw niya hinahabol siya ng multo. Nasobrahan ata ako sa pagkwento ng horror stories kanina habang papunta kami sa party. Ang problema, hindi marunong lumangoy si Lavender. Guess who saved her? YOHANN. Kahit ako hindi makapaniwalang ililigtas siya nun, pero iniwan naman din siya after. Pinauna ko na si Lavender at pinauwi, baka magkasakit pa kasi siya. Wala kasi kaming dalang pampalit niya.

And wait! There's more! Etong kakambal ni Lavender na si Julian, hayun at natuto nang lumandi. Kasama niya ngayon si Charlotte Vandersen, at arm in arm pa sila habang naglilibot sa hall at nakikipag-usap sa kung sinu-sinong tao. Mukhang okay na rin si Charlotte, full smiles pa nga sila. Hindi na ako lumapit pa. Ayokong maging KJ, at siguradong mao-OP lang ako sa kanilang dalawa.

Si Ces? Missing in Action. Baka umuwi na.

Ako lang ata ang walang kadrama-drama ang gabi. Kung sabagay, sobra-sobra na siguro ang participation ko tonight. Nangroblema din ako sa kanila ah! Para na talaga akong kuya. Well, that's my job in our friendship: parang ako yung kuya nila.

=____=

Inaantok na ako. Gusto ko nang umuwi, pero...

"Mr. Wycliffe," lumapit sa akin ang isang matandang lalaki. Sa dami ng inimbitahan at dumalo, nahihilo na ako kakabati sa kanila. "It's such a long night, don't you think?

"Good evening sir," bati ko. "I have to say, it is. But everyone seems to be having a good time."

"Of course, of course," sabi nung matanda, at tumawa pa. Nakainom na ata siya. "You, however, looked bored. Why don't you hit on one of the ladies here? I'm sure they'll be thrilled."

G*gong matanda din 'to. Ngumiti na lang ako. Buti na lang, tinawag siya ng isa sa mga kasama niya, kaya umalis na ang matanda.

I yawned. Hay. Buti pa umuwi na ako. Mukhang wala na rin naman na akong gagawin.

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now