Chapter Four *Just call me M*

27 3 1
                                    

CHAPTER FOUR

Just call me M

 

 

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO! KINIDNAP AKO!"

"Miss, 'wag po kayong maingay pwede? Wala din naman makakarinig sa iyo." sabi nung isang Men In Black, MIB na lang for short. Teka, ano ka ba naman Ces! Nakidnap ka na nga nakaka-isip ka pa ng mga short-cut!

"Kuya, ako na po ang nagsasabi sa inyo, hindi po ako mayaman! Wala po kayong makukuha kapag pina-ransom niyo po ako. Scholar lang po ako sa Aether! Kaya please naman po pakawalan niyo na ako!"

No comment lang sila. Okay, change tactic tayo.

"Kuya, meron pa po akong cheeseburger dito galing sa McDo. Kung gusto niyo po, sa inyo na lang, isang kagat lang naman ang nabawas dito, swear! Pakawalan niyo lang po ako." Di din nila ako pinansin. Choosy niyo naman, binibigyan na nga ng pagkain eh. Ganun pala ha!

"Sige kayo, mangkukulam ang lola ko! Pag 'di niyo ako pinakawalan at may nangyaring masama sa akin, kukulamin kayo nun! Ako nang nagsasabi sa inyo, kahit saang albularyo o simbahan pa kayo pumunta 'di matatanggal ang sumpa ng lola ko!" Siyempre 'di naman ito totoo, pero 'di na nila kailangan pang malaman pa.

"Miss, pwede ba, 'wag kayong maingay at huwag kayong magwala. Wala kaming masamang balak sa inyo." Huwaw, wala? Eh anong tawag mo dito, 'di ba masama na 'tong ginagawa nila?

"Anong wala, hoy 'di niyo ako maloloko, TULONG! TULOOOO—" naputol ang pagsigaw ko dahil biglang tinakpan ng isa yung bibig ko gamit ng panyo. Pinaghahamas-hampas ko sila nung cheeseburger na hawak ko, pero walang epekto.

Huhu. Lord, parang-awa niyo na, iligtas niyo po ako mula sa panganib! Pramis, 'di na ko magrereklamo kapag naghain si Mommy ng sinigang na bangus na sobrang-matinik three days in a row! Tutulungan ko na po sina Kaiden at Gabriel na magustuhan nina Mikan at Dianna! Wait, gusto na rin pala sila.

Sa wakas ay tumigil na ang van. Eto na ba yun? Papatayin na ba nila ako para kunin ang lamang-loob ko at ibenta? Hindi! Hindi pwede! Marami pa akong pangarap sa buhay! Ni 'di pa nga ako nakakapag-sulat ng isang matinong storya eh!

Pinababa ako nung mga MIB at...teka, ano ito? Isang five star hotel ang nasa harap ko. Sa likod nito, tanaw ko ang dagat, Manila Bay yun diba? Ba't nila ako dinala dito? Ito ba ang secret base ng sindikato nila?

Pumasok kami sa loob, escort-escort pa nila ako. For some odd reason, 'di ako makasigaw. Ang ganda kasi sa loob. Obvious na for the super wealthy talaga. Nahiya ako bigla sa suot ko. Naka-jeans and t-shirt lang ako, may hawak pa akong cheeseburger.

Ano ba talaga ang balak nila sa akin? 'D-di naman kaya—

Pumunta ako sa isang sulok nung elevator. "Sandali lang! Hindi ako bayaring babae!"

Napabuntong-hininga yung isang MIB. "Miss, wala kaming balak na masama sa iyo, at mas lalong hindi ka namin dinala dito para sa ganyan. May gusto lamang kumausap sa iyo."

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now