Chapter Five *It all begins*

24 2 0
                                    

CHAPTER FIVE

It all begins

MIKAN POV

Haaaaay...*unat* *unat*

^_^

Okay! Dalawang box na lang!

Andito ako ngayon sa library, sa third floor. Bilang parusa sa nangyari last week, kailangan naming mag-community service. This week, sa library kami na-assign. Nagbabalik kami nina Kaiden ng mga libro, habang sina Dianna at Gabriel sa counter. Ayos nga eh! Exercise! Teka...

<_< Tingin sa left >_> Tingin sa right. Nasaan na ba yung Kaiden na 'yun? Nasa kanya pa yung isang box. Kahit kailan talaga ang lousy nun. Dapat talaga nagpabilisan kami para ganahan naman siya, kaso ayaw niya. Kesa baka mahilog daw ako. 'Di naman ako ganoon ka clumsy noh!

 

"Mikan!" muntikan na akong mahulog. Nakatungtong kasi ako ng isang stepladder. Pagtingin ko sa baba... "Uy, Ces! Ikaw pala!" nakakatakot talaga 'tong roommate ko. Biglang sumusulpot at biglang nawawala. Parehas kaming weird, kaya nga magbestfriend din kami eh. "Anong ginagawa mo dito?" ^_^

"Ah, may hinahanap kasi akong book," sabi niya.

"Ganun ba? Ano bang call number, baka matulungan kita." Halos matawa ako ng sinabi niya. Andito lang 'yun sa shelf na nasa harap ko! "Ayun oh!" Sabay turo sa highest shelf, mga pang-anim mula sa pinakababa. Ang taas naman. Well, since nasa stepladder na ako..."Kunin ko na!"

"Ha? Sure ka?"

"Oo! Ano ka ba, okay lang. Wait lang ha..." at nagsimula na akong umakyat sa stepladder. "Para saan ba 'to?"

"For reference," narinig kong sagot niya. Ah. Hirap talaga sigurong maging Bio student. Ayoko nun eh! Nakakasabog-utak kaya ang Biology. "May kailangan ka bang tulong?"tanong naman niya sa akin.

"Pwede bang pahanap si Kaiden?" Sabi ko. Tutal andyan na rin siya, mas magiging mabilis ang trabaho ko kung mahahanap agad si Kaiden. "Nasa kanya kasi yung isang box ng mga libro."

"Okay. Wait ka lang ha?" At narinig ko siyang maglakad paalis.

Kinuha ko yung libro. Ang bigat at anlaki naman nito. Mahihirapan akong bumaba kasama nito. Pero siyempre kakayanin! Wala sa vocabulary ko ang katagang "Hindi Kaya"! Ako ata si Mikan Schultdz! Fighting!

Pero bago pa ako makababa, naramdaman kong yumugyog ang stepladder. "Argh!" Nanulog ako.

Sinara ko ang mga mata ko at tinakpan ang ulo ko habang hinihintay dumating ang sakit...pero 'di dumating? Naunconscious ba ako? Waaaaah! Posible bang mamatay sa pagkahulog? E di ba maraming namamatay doon? Waaah! Mamamatay na ako! Patay na ako!

Dinilat ko kaunti mga mata ko, ay ang una kong nakita ay ang isang pamilyar na mukha. Mukha ni Kaiden. Bakit ang una kong makikitang mukha pagdating ko sa langit ay yung sa rival ko? Ibig bang sabihin...anghel si Kaiden? O santo?

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now