Chapter Three *Mga manhid at torpe*

22 2 0
                                    

CHAPTER THREE

Mga manhid at torpe

 

 

Tiningnan ko si Kaiden. Tapos si Gabriel. Then Rence, and finally, Julian. Tapos balik uli kay Kaiden.

"Uh...Ces?" narinig kong tanong ni Julian.

Sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko. "Naka-drugs ba kayo?"

"What?" Kumunot and noo ni Kaiden.

"Alam niyo na, drugs. Shabu, marijuana, morphine—"

"Ces—"

"O baka naman may tama kayo sa utak? May traumatic experience ba kayo recently? May kilala akong psychologist, magaling 'to—"

"CES!" Biglang sumigaw si Gabriel, at napatahimik ako. "We're not kidding around. We're serious."

Silence.

Sinampal ko ang sarili ko. Kinamot-kamot ang mga mata. Tapos tumingin kay Rence. "Pwede bang pakurot?"

Rence sighed. "Di ka nananaginip, Ces."

Napasalampak ako sa upuan. Buti na lang walang tao sa cafe kundi kami, kasi pakiramdam ko malapit na akong magwala. "Desperado na kayo no?"

"Medyo," pag-aamin ni Gabriel.

"Let me get this straight. Gusto niyong magustuhan din kayo nina Mikan at Dianna."

"Yes."

"Gusto ninyo tulungan ko kayo dito."

"Yes."

Medyo kinabahan ako sa sumunod kong tinanong. "Ano naman klaseng...tulong?"

"Oh, not much," sabi ni Kaiden. "We have this sort of scenarios, and we want you to help us in making it real."

Tumingin ako kina Julian at Rence. "Anong masasabi niyo?"

"It's an extremely bad idea," sabi agad ni Julian.

"I agree," suporta pa ni Rence.

Hinarap ko sina Kaiden at Gabriel.  "Narinig niyo ang sabi nila. Masamang ideya 'yan, at tama sila."

"Listen—" pagsisimula ni Kaiden.

"No, you listen," tumayo na din ako. "Ang pag-ibig, hindi 'yan ginagawang laro. Hindi lang 'yan basta paghingi ng tulong sa ibang tao at paggawa ng kung anu-anong scenario para magustuhan ka niya. Hindi 'yan yung paniniwalaun mo ang isang tao na dapat ka niyang mahalin dahil sa mga instances na ikaw din ang may gawa. Pinaghihirapan 'yan, pinagsisikapan, at oo, tinatakda ng kapalaran. Paano kung malaman niyang ginawa-gawa mo lang pala ang mga pangyayaring yun para maging kayo? Paano kung hindi pala kayo para sa isa't isa?" I shook my head. "Kalimutan niyo na ang mga plano ninyong ganyan."

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now