Chapter Two *Apat na anghel at isang demonyo*

36 2 0
                                    

CHAPTER TWO

Apat na anghel at isang demonyo

Nagsimula nang umulan nung lunch. Hassle ng kaunti, kasi medyo magkakalayo ang buildings ng next subjects ko. Dito kasi sa Aether University, dinivide nila sa clusters ang mga colleges: Science and Technology Cluster, Engineering Cluster, Business and Management Cluster, Music and Arts Cluster, etcetera. Akala ko, after ng last subject ko for the day, Geology, eh huhupa na ang ulan. Pero after dismissal, hayun, dumoble pa ata ang lakas ng ulan, pati na rin yung hangin. Siguro may bagyong parating.

The question is: Kaya ba ng aking foldable payong na itawid ako hanggang sa dorm ko?

Inilabas ko ang aking kaawa-awang payong at nagsimula nang maglakad pabalik ng residence hall. Ako lang ang naglalakad; lahat ng estudyante, kahit yung mga naka-dorm, ay naka-kotse (in fact, lahat ng dorm dito ay may covered parking lot. Hanep talaga).  Wala kasi akong ka-close sa Geol at hindi din naman makapal ang mukha ko para tanungin sila kung makisabay. Balang araw, talagang papatayin ako ng wengyang pride ko.

Habang nakikipaghilaan ako ng payong sa hangin, bigla kong naisip na dumaan sa favorite short-cut ko, ang Hanging Park. Para itong viewing deck sa isang dulo ng campus na tanaw ang Makati at BGC, raised kasi ang land na pinagtayuan ng AU. Wala masyadong nagpupunta doon, pero instant shortcut yun papunta sa dorm ko.

Tinahak ko na ang daan papunta doon. Sa wakas ay nakarating na ako sa Hanging Park. Biglang kumulog. “AY!” napatalon ako, at nabitawan ko si payong.

Wait…YUNG PAYONG KO!  Pero tinangay na ito ng hangin, papunta sa edge…at nahulog ito.

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! PAYONG KO!

Q_____Q

Huhu. Goodbye payong. Eighty pesos ka din. Salamat sa pakikipaglaban mo para sa akin hanggang sa pinakadulo. Pasensya na at bumitaw ako.

Ano nang gagawin ko ngayon? Antanga kasi eh. Dapat tinawagan ko na lang si Dianna o si Rence para sunduin ako—SHET! BAKIT DI KO NAISIP YUN KANINA?!

Ilalabas ko na sana yung cellphone ko, pero bigla kong naalala na nasa ilalim pala ako ng malakas na ulan. At basang-basa na ako. Buti na lang  waterproof ang backpack ko, kaya safe ang books ko.

Bahala na. Nagsimula akong tumakbo. At sa kasamaang palad, nadulas ako at naface-first pa sa ground. *SPAT*

Official na. Ito na ang second most tragic day of my life. Ano yung first? I’d rather not remember. Buti na lang walang putik, pero puro water puddles naman.

Habang tinatayo ko ang sarili ko mula sa pagkakahulog ko (ansakit ng mga tuhod ko! T___T), bigla akong napatingin sa harap ko. Sa di kalayuan, para bang may…nakatayo. Pinunasan ko ang mga mata ko gamit ng likod ng kamay ko, ngunit ‘di ko pa rin makita ng maayos. Huwag mong sabihing…MULTO?!

Multo? Multo nga ba? Parang tao talaga eh. Sino namang tanga ang dadaan sa Hanging Park sa ganitong panahon? Wait. I know the answer: AKO.

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now