Chapter Eleven *Unknown Re-encounter*

24 3 3
                                    

 

CHAPTER ELEVEN

Unknown Re-encounter

RENCE POV

Mag-isa akong naglalakad habang nakain ng Hotshots na inorder ko sa KFC. Andito ako ngayon sa Eastwood, sa isang promenade na may mga bituin at pangalan ng mga sikat at batikang mga artista. I don't usually go out on my own; usually, I'm with my friends or the twins. Also, may pagka-busy din kasi ako, either sa pagtulong sa company namin, sa pag-alaga sa kambal (at sa mga friends ko), or sa schoolwork.

Nagkataong katatapos lang magpa-exam ng lahat ng profs ko at ni isang assignment walang binigay, tapos wala rin masyadong company work. As for friends, lahat sila busy: si Kaiden sa work, sina Gabriel and Dianna may dinner with their parents, si Mikan may project na kailangang tapusino, yung kambal may rehearsals, si Ces naman busy din daw. Kaya hayun, lonely ako.

"Hi," nagulat ako ng bigla akong tabihan ng isang foreigner na babae. Mukhang tourist ata. Not far, three other girls are looking at me, giggling. All of them are scantily-clothed. Sobrang kapal din ng make-up nila, parang gustong manakot.

"Hi," ngumiti lang ako at naglakad palayo. Nang gumalaw siya na tila sasabayan ako, tiningnan ko siya at sinabing, "Sorry, I'm waiting for someone." I lied.

"I don't mind a friend or two," nakangiti nitong sabi. Sa pananalita niya at ngiti sa mukha niya obvious na gandang-ganda siya sa kanyang sarili. Ako naman, diring-diri sa kanya. Ba't ba naglipana ang mga ganito?

"Actually... it's not a friend," nagemphasize ako sa word na friend. Sana naman magets na niya— wala naman talaga akong hinihintay, pero siyempre ayoko namang kasama ang isang ganito.

"Oh," nagpout siya, sabay ngiti muli, yung seductive. Kadiri tingnan. "But a fling or two wouldn't hurt, right?"

"Sorry, miss, but if I ever want a fling, I'll find a better looking one with more breeding," blunt na sabi ko sabay lakad paalis. Nakanganga lang siya sa kinatayuan niya, at hindi na niya ako sinundan pa.

I sighed, then ran a hand through my hair. Sa aming mga magkakaibigang lalaki, ako na lang ata ang walang lovelife, or prospect man lang. Si Gabriel may Dianna. Si Kaiden may Mikan. Si Julian naman, may "constant contact" with Charlotte. Ako? May hotshots. =____=

"Hay hotshots," sabi ko, habang nakatingin sa pulang box na may tatak ng KFC. "Bakit kaya wala akong lovelife? Ba't kaya wala akong mahanap na babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko? Teka," napakamot ako ng ulo. "Kelan ko pa ginustong lumandi?"

Sa awa ng Diyos, hindi ako sinagot ng hotshots. Pag nangyari yun takbuhan na.

Habang inuubos ko ang natitirang hotshots, naalala ko yung mysterious lady na nakabanggaan ko sa party a week ago. Yung swarovski stiletto shoe niya, andoon na sa shelf ko. Araw-araw, bago matulog, tinitingnan ko na parang baliw. Gusto ko siyang hanapin— para ibalik yung sapatos, nothing more, nothing less. Eh paano ko naman gagawin yun kung ni mukha niya 'di ko alam?

Perfectly Matched! [Revising]Where stories live. Discover now