1 - Diary

27.6K 639 139
                                        



.............................
2006
Two minutes. Two minutes na lang, Nico.

It was the longest two minutes ng fourty-eight hours na torture, also known as hospital duty. Bawal mag-undertime kung ayaw mong matingnan ng masama ng mga residenteng doktor. Kung ayaw mong mabulyawan ng consultant. 'Yong tipong gusto mo na lang lamunin ka ng lupa kasi hindi mo naman sila pwedeng murahin nang harapan lalo na at puno ng pasyente ang toxic na emergency room.

The perks of taking up medicine.

"Demerit na naman?" bulong ni Audrey, kasama kong clerk. Nasa fourth year na siya, tulad ko.

As much as I'd hate to admit it, she was right. Lagi nalang demerit. The higher-ups only count the mistakes. They always say "Doctors have no right to make mistakes because we deal with human lives." Pero kahit maka-revive ka ng pasyenteng dead-on-arrival o maghimala ka, wala kang maririnig ni simpleng "Good job," man lang.

"Clerk nga dito oh," tawag ng head nurse sa left wing.

Clerk ang tawag saming mga estudyante ng medicine. But not the kind you're imagining. Hindi kami taga-type, taga-ayos ng mga libro o taga-sagot ng telepono.

Kasalukuyan akong nakanganga. Nakatulala sa wall clock. Parang may daya. Ambagal ng takbo. 'Yong dalawang kasama ko tumingin nang masama sa'kin. Kala naman nila nakukuha ako sa tingin. Hindi ko pinansin.

"Nico, ikaw na nga don," si Audrey.

Oo. Ako na naman. Ako. Ako. Ako nalang palagi.

Napapalatak nalang ako. Ngumiti. Pilit. "Ah... 'Di ba ikaw yung tinatawag?" sabi ko, kunyaring nalilito.

Inirapan ako ni Audrey Na-realize ko na sa lahat ng taong pinaka-nakakabad trip, siya na ang nasa top 2. Gusto ko man siyang upakan, she's still a girl. Sayang. As they say, be kind to animals.

"Yes Ma'am?" Lapit ako agad kay Head Nurse nang nakangiti.

Tinambak niya sa harap ko ang isang IV set. "Ang hirap hanapan ng vein, eh. Try mo nga 'yong gauge twenty-four?"

'Yon oh! Kapag minamalas-malas ka nga naman. Uwian na, e. Pero siyempre wala akong karekla-reklamo. Bait ko kaya. Bukas gagawin na 'kong santo.

Isang eighty-year old na lola yung pasyente. Napangiti siya nung kinuha ko ang kamay niya. "Tingnan natin kung may makikita tayong magandang ugat, ha, Lola?"

Sumenyas si Head Nurse sa isa niyang estudyante. "Ading, mag-assist ka nga kay Doctor Richter."

Doctor Richter talaga? Pampalubag-loob kasi mapipilitan na 'kong mag-overtime.

"Not yet a doctor, Ma'am," sabi kong nakangiti para hindi halatang naba-bad trip na'ko sa kaniya. "Not yet a doctor."

Lapit agad si Student Nurse, mabilis pa sa alas-kwatro. Iniwan ang pasyente niyang sinosonda. Kanina pa yon sigaw ng sigaw ng "Hindi ko na kaya! Pabayaan n'yo na 'ko! I wanna die!" Ang ingay. I can't even hear myself think.

"Ano'ng nangyari do'n?" tanong ko sa student nurse, nakatingin sa nag-eeskandalong pasyente.

Hindi agad nakasagot si Student Nurse, napaiwas ng tingin. "S-suicide attempt, sir. Uminom ng twenty-four pieces na Centrum."

"Bakit daw?" Hindi siya sumagot. Pahiya ako. Kaya ako na lang ang sumagot sa sarili ko. "Let me guess. Iniwan ng boyfriend."

Tumango lang siya, halatang naiilang.

Napailing ako, pinipilit na hindi matawa. "Mga babae nga naman. Magpapakamatay lang din, hindi pa sineryoso. Kung ako 'yon, tumalon nalang ako sa bangin ng Mines View. Para sure."

Thirty-One DaysWhere stories live. Discover now