Okay... wala lang... Ganito kasi yan. Kanina bigla akong tinawagan for an interview. As in katatapos ko lang maglunch at paidlip na ako to take a rest naman. Then yun nga, tumawag na lang bigla. Interview na daw. Punta daw ako ng 1pm.
Sagot ko eh, "ONE PM? IT'S ALREADY 12:30?" Naks, English pa sagot ko. Hahaha...
Mabait naman yung nag-invite sa akin kaya kahit 1:30 na lang daw. O di ba? Sobrang bait. Thirty minutes!
Pero kahit thirty minutes extension lang yan, thankful pa rin ako. At least naging one hour na time ko for preparation. Kailangan ko pa kasi umuwi dahil nakauniform ako ng current office ko ngayon. Hello naman daw kung mag-aaply akong naka office uniform ko.
Pahirapan pa ako nagpaalam sa boss ko. Kasi bukas, may pupuntahan ulit ako at kailangan kong maghalf day. Ako naman ang mag-iinterivew. Mag-iinterview ako ng mga inmates. Kaya hayun. Nahihiya ako mag-paalam kasi reporting namin. Maraming kailangang tapusin. Pero kapag hindi naman ako pupunta sa interview, sayang naman iyon. Pag icocompare kasi current job ko sa aaplyan kong position, malayong-malayo talaga. Kaya kahit nahihiya man, nagpaalam pa rin ako sa boss ko. Pumayag naman ito. Ewan ko. Nafefeel na din siguro niya kung saan ako pupunta. Hehehe...
So umuwi muna ako. Nagpalit ng mas formal na damit. Tipong kagalang-galang talaga. Nagpaganda. Chos! Tapos dumiretso na dun. Pagdating ko, halos twenty yata yung nakaupo sa waiting list. Pasimple kong tinignan ang relo sa wrist ko at napatanong tuloy ako sa sarili ko kung "Aabot pa kaya ako?" Kung sakali kasi, ako ang last na iinterviewhin. Pang twenty one.
Buti na lang at di pa ako nagcomputer exam, yung written exam tapos na, yung computer ang di pa. Kaya pinag IT Exam muna ako. Okay lang naman yung exam. Pinagawa pa ako ng memorandum. Hahaha... Ewan kung tama yung reply memorandum na ginawa ko. Bahala na.
Tumagal din ng one hour IT exam ko. Paglabas ko ng room. Fourteen na lang andun. Pang-fifteen ako. Mga 3 pm na yun. Hintay hintay kami. Nakipagkuwentuhan din ako sa ibang applicants.
Four thirty na pero walo pa rin kami. Hindi naman ako masydong nainip, yung mga kasama ko ang inis na inis na dahil umaga pa lang daw ay andun na sila. Quarter to five na ng sabihin ng HR na balik na lang daw kami next week, tapos nagsabi siya ng date.
Ang sama talaga ng mukha ng iba. Ako din medyo nainis doon. Magseset set sila ng interview pero hindi naman pala kayang iaccomodate lahat. Lahat pa kami doon working na. Mahirap kaya mag-absent ano! Sayang yung kita namin for one day. Badtrip talaga!
Ang pangit pa doon, may mga nakita akong mga kakilala ko doon. Waaaaaaaaaa! Sinsecret ko ngang nag-aapply ako sa iba tapos nakita ko pa sila!?! Lol!
Blessing na rin siguro iyong nangyaring pagmoved ng date ng interview dahil magkakaroon ako ng more time to prepare. Di tulad ng nangyari kanina na biglaan.
Bigla ko tuloy naalala ang aking first job interview. Bwahahaha! Disaster yun. Kinabahan kasi ako. Yung second job interview ko naman ay mas maganda na resulta. Medyo mas confident na kasi ako noon.
Tinanong pa sa akin dati na "If you are an animal, what would it be? And Why?"
Ang sinagot ko diyan eh, "If ever I would be an animal, certainly I will be an elephant. Why? Because an elephant can lift anything no matter how heavy the thing is. That's one of my characteristic as a person. I can handle any work no matter how voluminous they are."
Hehehe...
Meon pa yung tanong na pinag-explained sa akin difference ng dalawang word. Nakalimutan ko na kung ano na ba yun.
Tapos nakita nila sa resume ko na may Elective subject kami. Naging curious tuloy sila kung ano daw iyon. Yes sila. Kasi yung time na yun, dalawa yung nag-iinterview sa akin. Bale maraming stage ng interview yun. Una sa HR. Sya yung nagtanong nung sa animal animal na yun. Tapos next na yang dalawa. Tapos may sumunod pang isa. Tapos isa ulit. Whew! Halos maghapon ako sa company na yun at iniinterview lang.
Teka, back to the subject na pala. Ayun nga tinanong nila kung ano yung Electice subject na iyon. Sagot ko eh, Foreign Language subject iyon.
"What language?"
"Nihonngo Ma'am."
"Really?"
Tumango ako. Ewan pero naexcite sila sa nalaman. They asked me kung bakit may ganun kaming subject. Sagot ko eh, ewan ko din. Basta nasa curriculum namin iyon. Hehehe... Siguro akala ng school namin magJajapan kami. Lol! Parang indemand naman daw course namin sa Japan. Di naman no!
Then, bigla na lang nila akong pinagNihonggo. They wanted to hear me speak daw. Sa narinig ang una kong inisip ay kung may alam ba sila sa Nihonggo. Dahil kung meron, lagot ako kung sakali. Nakalimutan ko na kasi halos lahat ng pinag-aralan ko sa Nihonggo kaya lagot ako kung merong alam yung dalawa. Pero dahil sa tingin ko ay wala naman, confident akong Naghinggo.
"Watashi wa (my name) desu. Chuva chuva chuva chu chu..."
Hahaha! Tama! Kung anu-ano na pinagsasabi ko sa sumunod. Yung unang sentence lang tama. Hahahah!
"Naintindihan mo?" tanong nung isa sa kasama. Tumatawang umiling yung isa. "What did you say?"
Syempre inexplained ko kunwari sinabi ko. Hahahahah! Malay ba nila! LOL!
Then to next interviewer na ako. Wala lang. Yung mga tanong niya is about dun sa written exam namin. Nalaman kong mataas nakuha ko. Hehehe.. Pinagexplained din sa akin kung ano nilagay ko sa essay part. Nag-explained naman ako. Ngayon sa maayos na.
Akala ko tapos na interview. Pero di pa pala. Six pm na nun at gutom na ako. Sa last interview naman, parang repetitive na. Tinanong about committment, integrity, honesty, etc. etc. Tapos tinananong pa kung "Maiyakin daw ako." Sumagot naman ako na hindi. I don't get easily cry. Pero sa isip-isip ko eh, "the heck? Bakit tinanong ito? May plano ba silang paiyakin ako?"
After the long process of interview, 7pm na at sinabing hired daw ako. Puwede na daw akong magreport ng Monday. Ang pakiramdam ko noon ay mixed. Masaya na malungkot. Masaya dahil hired na. Malungkot dahil ewan ko kung bakit. Maybe hindi ako sure kung magiging masaya ba ako doon.
Nagreport naman ako sa sinabing day. Pero world record na yata ako. Dahil one day lang ako nagreport. Kinabukasan hindi na ako pumasok pa. Hehehehe!
Call me unprofessional but I'm not happy kasi nung first day pa lang. Kung first day pa lang ganun na, paano pa kaya sa susunod na mga araw?! Kaya hayun, the next day, wala na ako.
I'm lucky because hindi pa ako nagcontract signing. Yung isang kasama kong applicant na nahire din ay after one week saka nya narealized na hindi doon calling niya, saka pa lang nagresigned. Tuloy, pinagbayad ng 15k dahil yun daw nakasaad sa contract.
Right now, nagwowork na ako. Nag-eenjoy naman ako pero parang may kulang pa rin. Sana mahanap ko na yung work na magiging happy ako. : )
