---

"Punta na tayo kasi. Ilang beses ng nag text at tumawag si Jasmine. Di ba usapan naman talaga natin yon?" Pangungilit ko kay Jacob na sumunod kay Jasmine sa probinsya nila. Since may tatlong linggo pa kami bago matapos ang sembreak, gusto kong spend namin yon sa probinsya nila.

Kilala naman na ako ng parents nya at iba pa nyang mga kamag anak pero hindi ko lang sigurado kung alam na nila ang tungkol sa relasyon namin.

"Don't you wanna spend more time with me? Besides, dun tayo mag ki-christmas so, makikita mo naman sila on December." Balewala nyang sagot at nagpatuloy lang sa iniinom na hard liquor. Nasa isang bar kasi kami ngayon. Nagyaya sya kanina dahil batong bato na daw sya sa bahay. Pumayag naman ako dahil nakakasawa din kaya kung puro nalang sex ang ginagawa namin.

"Fine! No sex for two days!" Nagdadabog kong sabi sa kanya. Medyo napalakas pa nga ang pagkakasabi ko kaya tiningnan kami ng mga nasa katabing mesa namin. Di ko tuloy maiwasang hindi mag blush.

Binato ko naman ng mani ang katabi ko ng tumawa sya. Kainis! Napapansin ko lagi nalang nya kong inaasar.

"Bwisit ka!" Nanggigigil kong sabi sa kanya at tinampal pa sa braso.

"Ikaw ah? Namimisikal kana. Kundi lang kita mahal! Naku...!!!" Sabi nya habang niyayakap ako at pinisil pa ang ilong ko. Tinampal ko lang ang kamay nya at humalikipkip.

"Come on, let's dance." Hila nya sa akin. "Para maalis ang tantrums mo." Dugtong pa nya ng iabot ko na ang kamay ko. Gusto ko na tuloy hilain ang kamay ko at pagsusuntukin sya.

Niyakap lang nya ko mula sa likod habang papunta kami ng dance floor. Napaka awkward nga ng posisyon namin. Tapos kabi-kabila pa ang mga bamabati at nagpi-picture habang naglalakad kami.

Alam ko namang sikat sya pero para na rin syang artista kung tratuhin ng mga tao. May gusto pa ngang magpapicture kasama sya pero tinanggihan lang nya.

Dinala nya ko sa gitna ng dance floor at hinarap sa kanya. Napaka maharot ng kanta kaya isinabay ko ang indak ng katawan ko sa musika. Itinaas ko rin ang mga kamay ko.

Alam ko naman na magaling din sumayaw siJacob pero first time ko syang makasayaw. Hindi naman sya awkward tignan. In fact, napaka suave ng bawat galaw nya at kung makatingin pa para akong hinuhubaran at tutunawin sa stage. No wonder ang daming naghuhumaling ma babae sa kanya dahil isa syang gwapo at matipunong FLIRT!

Hinapit nya ko sa may likod at pinagdikit ang mga katawan namin. Napahawak nalang ako sa may dibdib nya. Pero laking gulat ko ng bigla nalang nya kong i-dirty dance. Ang walangya! Flirt talaga!

"I love you, Fatima Mae." Bulong nya sa may tenga ko. Napangiti at napapailing nalang ako dahil out of the blue bigla lang nyang sasabihin yun. Hinalikan pa nya ko sa may ilalim ng temga ko. "Let's get out of here."

Napatango nalang ako at sinundan na sya palabas. Hawak hawak naman nya ang kamay ko pero parang masusubsob na ko sa pagmamadali nya.

Ng makarating kami sa parking lot, bigla nalang nya kong hinapit at siniil ng halik. Dahil sa pagkabigla, di ko naiwasang di mapasinghap kaya sinamtala naman nya yon at sinalakay ang loob ng bibig ko.

Ano bang pumasok sa kukote nito at bigla nalang na parang naging manyak. Kanina naman sya pa ang nagsabi na mag break muna kami sa kakasex at baka raw maubusan na ko ng lakas! Pero ngayon para syang mandirigma at handang manakop, by hook or by crook!

Ng halos magpugto na ang hininga namin, pinagdikit nya ang mga noo namin at halos makapanabay kami sa paghingal.

"Shit! Why do have to be sexy while dancing?! You're giving me a boner just by dancing, babe. Nakakahiya baka napansin nila." Napapapikit pa sya at niyakap nalang ako ng mahigpit.

"Babe... I was born to be hot and smexy.." Sabi ko sa malambing na tono ng niluwagan ang pagkakayakap sa akin.

Narinig ko nalang ang tawa nya atbpagyugyog ng katawan nya. Napapangiti nalang din ako sa kaalamang napapasaya at napapatawa ko sya.

"Pasyal tayo." Sabi nya after awhile.

"Huh?" Napatingin nalang ako sa relo ko. Alas tres palang ng madaling araw. Parang mas gusto kong umuwi nalang.

"Maglakad tayo sa baywalk. Tara." Wala nakong magawa ng buksan nya ang pinto at pinapasok nako.

--

"Aray ku!" Kanina pa ko mumuntikang masubsob dahil naglalakad kami ngayon sa baywalk at nasa likod ko sya at naka yakap sa akin. Ang lakas man trip talaga ng lalakeng to. Naka dalawang shots lang naman sya ng brandy at kanina pa yon.

"Clumsy.." Natatawa pa nyang sabi. Huminto na kami sa paglalakad at umupo sa side pagmharap sa dagat. Nasa likod ko pa rin sya at nakayakap habang ang mukha nakasubsob na naman sa gilid ng leeg ko.

"Ako pa ang clumsy ngayon? Bilib din ako sayo no!? Tsk!" Naasar kong sabi sa kanya pero dahil nilalambing nya ko, di ko maiwasang di mapangiti at mawala ang galit ko.

"Hhhmmm... Bat ang bango mo ngayon? Dati ang antot antot mo." Napatingin akong di makapaniwala sa kanya. Seriously?! Sinabi nya talaga yun?

"Walangya ka! Kung nababahuan ka sakin then don't hug me! Don't touch me! Bwisit ka!" Naiinis ko syang sinapak pero tawa lang sya ng tawa. Mabuti nalang walang masyadong mga tao. Kundi baka pinagpipyestahan na nila kami lalo nat sikat sya.

"To naman. Binibiro lang kita. Na miss lang kita. Kiss mo na ko, dali." Nag pout pa sya at napapailing nalang ako sa mga antics nya. Ilang araw lang kaming di nagkita pero ganito na sya.

"Maiba ako. Saan ka naglagi nung nawala ka?" Naku-curious kong tanong sa kanya. Sabi ni Jasmine di naman daw sya umuwi ng Pampanga.

"Sa condo ko."

"May condo ka? Iyo talaga? Binili mo?" Namamangha kong tanong sa kanya. Wala naman kasing nababanggit si Jasmine.

"Ummm... Kay Jasmine yung apartment. Condo ang pinili ko kasi mas madaling i-maintain." Patamad nyang sagot. Oo sila na! Sila na ang rich kids!

"Eh anong ginagawa mo sa apartment ni Jasmine? May sarili ka naman palang tirahan?" Namamangha kong tanong sa kanya. Baka nagtitipid?

"Because you live there." Patamad nyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin at nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Panaka naka ko syang tinitingnan at hinahawakan sa mukha.

"So totoo na patay na patay ka sa akin noon pa man?" Nangingiti kong tanong sa kanya. I am only just teasing him pero nagulat pa rin ako sa sagot nya.

"Matagal na. If you only knew. I love you, Fatima Mae." Binigyan nya ko ng smack sa labi at niyakap ng mahigpit.

Di na ata maalis ang ngiti ko sa labi. Kulang nalang mapunit ang mukha ko.

"Uyyy.. Kinikilig na..." Sinundot pa nya ang tagiliran ko kaya napaigtad ako at tinampal lang ang kamay nya.

"Tse! Tunigil ka nga!" Tumawa lang sya ng malakas.

"Let's go home. Inaantok na ko." Yaya ko sa kanya sabay hikab ko. Ngayon ko na nararamdaman ang pagod. Kahit na gusto ko ang ganito, halos mag aalas kwatro na rin ng madaling araw.

Di naman ako nagdalawang salita dahil hinila na rin nya ko at naglakad na kami pabalik sa kotse nya.

Nakikita ko na rin ang pagod sa mga mata nya lalo nat nakainom din sya.

"Kaya mo pa bang mag drive?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Ayoko naman na maaksidente kami. Tango lang ang sagot nya bago kami nagbyahe pauwi.

Pagdating sa bahay, naglinis lang kami ng katawan at naghanda ng matulog sa kwarto nya.

"I love you, Fatima Mae." Bulong nya ng nakahiga na kami. At katulad ng dati, nakayakap sya sa may likod ko at nakasubsob ang mukha sa may leeg ko.

"Hhhmmm... Good night." Nakangiti kong tugon sa kanya at tuluyan na akong hinila ng antok.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon