Lost Academy #91.4

Start from the beginning
                                    

Nang makalapag na ang mga paa ko sa sahig ay mabilis kong pinulupot sa leeg ng mga mechanical puppets ang mga anino nila hanggang sa pinulupot ko na rin ang mga ito sa iba't ibang parte ng mga katawan nito at sa isang iglap lang nagkanda lasog lasog ang mga katawan nito.

"Huhuhuhuhuhuhu." Iyak ng batang babae. Nasobrahan siguro sa takot. Matapos kong tanguan si Cielo na siyang ibinalik niya rin sa akin ay tinungo ko na ang nakakaawang bata sa sulok. Tinap ko ang ulo nito para malaman niyang wala na sila sa panganib, agad naman siya nag-angat ng tingin. Nagulat nalang ako ng makita ang mukha niyang basang-basa na sa luha at uhog. Napabuntong hininga nalamang ako.

"Strong girl si Exle di ba?" pang-uuyam ko sa kanya. Tinitigan niya pa ako nung una at maya-maya pa'y tumango rin sya saka niya sinubukang punasan ang kanyang luha but to no avail, umaagos pa rin ito.

"Sandali lang ho." sabi niya saka niya sinubukang gamiting pangpunas ng luha ang palda niya kaso di maabot ito sa mata niya kaya't yumuko siya pero nung makita niyang nadumihan yung damit niya lalo, ay bigla ulit siyang umiyak. "Huhuhuhuhu."

Bigla namang parang natunaw ang puso ko sa ginawa niya. I felt pity and at the same time, I wanted to laugh, she's so cute. Grrr

I give up! Kinarga ko na lamang siya at inilagay ko mukha niya sa isang balikat ko para do'n na siya magpahid ng luha at hinihimas yung likuran niya para maramdaman niyang safe siya. Hindi naman ako maarte, damit lang yan mapapalitan, ang importante tumigil na sa pag-iyak itong batang 'to. Nakakaawa kasi.

*HIK* *HIK* *HIK*

At yun nga, maya maya pa'y mumunting hikbi nalang ang maririnig mula sa kanya. "At ikaw, maglakad ka. Kaya mo na yan." Sabi ko nalang kay Cielo na ikinalukot ng mukha niya.

Sa takot na baka may iba pang dumating ay umuna na ng takbo si Cielo at sinundan ko naman agad siya. Kailangan na naming magdali, anytime soon gigising na si Euria at sa puntong iyon, matatapos na talaga ang buong proseso ng Soul Link.

Ang pinakacrucial part talaga dito ay kailangan naming maialis si Euria kasama sila Cielo sa loob ng eskwelahan. Kailangan namin siya mailabas habang tulog pa ito kung hindi, lalala lamang ang sitwasyon at baka magcollapse ang buong gusali, mabuti yung nasa open siya para wala gaanong tao. Mabuti na ring nandirito si Cielo para mas lalo pa naming mabantayan ang kalagayan ni Euria.

Hindi pa aabot ng limang minuto ay nakaabot na kami sa loob ng Forbidden Zone, doon nakaabang na si Theron para sa gagawin naming paglilikas kay Euria. Kumpara sa sakit at ang nagawang sakripisyo ni Euria, walang-wala ang mahabang oras na iginugol namin para mabantayan siya. Minsan nga naiisip kong mahirap pala talaga ang kalagayan niya, imagine, she spent almost all of her childhood in bed. She can't get sick, feel pain or become too happy or else, magkakaroon ng sudden tremors sa buong school. The way I see it, she deserve to be more free, para nga atang napilitan siyang magmature sa bata niya pang edad. Pinili niyang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.

"Theron. Tara na. There's no time. She'll wake up soon." Sabi ko kay Theron.
"Sandali." Pigil ni Cielo.
"Bakit?" takang tanong ko.

"Hindi pa oras. Kailangan pa nating maghintay sandali." Sabi niya. Nangunot naman ang mga noo namin ni Theron. Hindi ito ang napag-usapan. Anong hindi pa oras?

"Anong hinihintay mo Cielo?" tanong ni Theron.
"Hindi pa talaga oras. Baka pag-ginalaw natin siya, magigising siya." Pag-uulit ni Cielo saka niya hinawakan ang pulso ni Euria.
"What do you mean?" sa pagkakataong ito ay ako na ang nagtanong. Bakit parang ang labo ata? Ang usapan namin ay kailangan naming mailabas si Euria dito kung hindi ay madadamay ang mga nasa loob ng eskwelahan.

"Sandali. Kailan pa siya nagsimulang matulog?" imbis na sagutin ni Cielo ang tanong ko ay kunot noo niya kaming tiningnan.

"Kahapon." sagot ni Theron.
"Hindi pa ba siya nagising mula noon?" tanong ulit ni Cielo na ikinailing lang naming dalawa. Sa puntong iyon ay ibinaba ko na si Exle sa sofa. Tahimik naman niya kaming tinignan.
"At walang sino man ang nagtaka sa inyo kung bakit hindi pa rin siya nagigising?!" galit na sigaw niya. Hindi namin naintidihan kung bakit siya nagalit. Sa totoo lang, normal occurrence lang na mas mahaba ang tulog ni Euria kesa sa mga oras na gising siya dahil napakahina na ng katawan niya. Kaya as much as possible ay pinagpapahinga namin siya.

Lost Academy Where stories live. Discover now