Chapter Twenty Six

Start from the beginning
                                    

"Ngayon lang kasi ako nakatakas sa mga bisita." Sagot naman n'ya. Naramdaman ko namang bumaling siya sa akin.

"Hey, sorry kung hindi kita nasundo. Naipit kasi kami sa traffic papunta—" Pinutol ko ang sasabihin n'ya.

"It's okay, wala namang kaso sa akin 'yon. Sinundo naman ako ni Symon. By the way, happy birthday!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thank you. Mag-iistay ka ba rito?" Tanong n'ya sa akin.

"Hindi ko alam, pero nagpaalam naman ako kay Daddy." Sagot ko sa kanya. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa pagkain.

"Axcel, ihahatid mo ba ako pauwi?" Rinig kong tanong ni Thalia kay Axcel.

"Sure, baka kung mapaano ka pa. Mas mabuti nang ako ang maghatid sa'yo para kampante ako. Ayaw mo ba talagang dito muna?" Tanong naman ni Axcel. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Din at Jeorge. Ang iba naman ay nagkukwentuhan lang at nag-iinuman. Nang nag-angat ako ng tingin ay nasalubong ko ang mga ni Symon na nakatitig lang sa akin.

"Maybe next time, nagpaalam kasi ako kay Mommy na uuwi rin ako and besides may lakad kami tomorrow." Sagot naman ni Thalia.

"Sure, I'll invite you here next time." Sagot naman ni Axcel. Tumayo ako bigla kaya naagaw kong lahat ang atensyon nila.

"C.R lang ako." Paalam ko sa kanila bago tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, kung bakit naaapektuhan ako sa naririnig at nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit mayroong sakit akong nararamdaman dito sa puso ko, na para bang dinuduga ako ng harap-harapan ng isang taong napakaimportante sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayokong aminin ang nararamdaman ko. Na kahit ano pang bulong nitong damdamin ko sa sarili ko, ayoko pa rin sabihin.

"Excuse me, are you Mr. Adelaida's only daughter?" Bigla akong natigilan ng may biglang matandang lalaki ang humarang sa akin. Nakasuot ito ng business attire habang may hawak na baso ng wine sa kanyang kanang kamay.

"Ako nga po." Magalang kong sagot sa matandang lalaki.

"Totoo nga pala ang sinasabi nila, you're a replica of your mother. You're beautiful, hija. What's your name?" Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Thank you for the compliment, I am Heena." Nakangiti kong sagot sa matanda.

"I'm Mr. Lorenzo. Business partner ako ng Dad at Brother mo. I'm expecting you in your company, hija." Saad n'ya.

"I see. Company rin po ang priority ko katulad ni Kuya at Dad." Sagot ko naman.

"That's great, hija. I've heard na fiancée ka raw ng anak ni Mr. Levinn, is that true?" Bigla nitong tanong. Bigla naman akong natigilan dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Paano kung sabihin kong, oo? Kahit hindi naman talaga kami parehong seryoso sa engagement na 'yon. Ayokong umasa na magtatagal pa ang pagpapanggap naming dalawa dahil alam ko namang matatapos at matatapos din iyon.

"No." Kaswal kong sagot. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha. I suddenly frowned.

"Good, balak ko sanang ipakilala sa'yo ang anak ko. Soon you'll meet him, he's a good man." Nakangiti nitong sabi sa akin. Tumango lamang ako bilang sagot.

"Sige po, I have to go." Paalam ko sa kanya bago tumalikod. Dumiretso agad ako sa C.R at tsaka pumasok sa isang cubicle. Sinarado ko muna ang bowl bago umupo.

"Wake up, Heena. Wake up." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Ang bilis kong maapektuhan at para bang hirap na hirap na ako. I really hate this kind of feeling. Ayoko ng ganito, ayokong makaramdam ng ganito dahil alam kong masasaktan lang ako kapag lumala pa itong nararamdaman ko.

The way he looks at her, pain envelopes my heart. Hindi ko alam pero ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing titignan ni Axcel si Thalia. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon n'ya, na ako lang ang iniisip n'ya at ako lang ang kasama n'ya. Pero alam ko sa sarili kong hindi dapat, hindi pwede at hindi maaari. Siya na mismo ang nagsabi noon na hindi namin dapat seryosohin ang engagement sa pagitan naming dalawa, alam ko 'yon. Pero sa tuwing magkasama kaming dalawa, sa tuwing kausap ko siya, sa tuwing siya lang ang iniisip ko. Nakakalimutan ko na hindi nga pala dapat namin sineseryoso ang engagement. It's just a stupid deciscion of our parents, and he's right. We shouldn't take it seriously dahil kapag isa sa amin ang pumalya sa kasunduan naming iyon. Masasaktan at masasaktan lang ang isa sa amin.

At ayokong humantong na masaktan ako nang dahil doon o mas malala. Pareho kaming masaktan kapag pumalya ako. Dapat tumupad ako sa kasunduan namin dahil nakikita ko sa kanya ngayong hindi nga siya seryoso sa engagement.

He loves her, I knew about it. Hindi na dapat ako magulat kung isang araw ay magkabalikan silang dalawa. They love each other, I witnessed their relationship. Nasaksihan ko kung gaano kasaya si Axcel noon sa tuwing magkasama sila ni Thalia. Nasaksihan ko rin kung gaano kamiserable si Axcel nang iwan siya ni Thalia, nang iwan siya ng babaeng pinakamamahal n'ya. Alam ko 'yon dahil ako ang araw-araw n'yang kasama. Sa akin niya sinasabi lahat ng hinanaing n'ya sa buhay.

Alam kong darating ang araw na lahat ng ito ay matatapos na lang.

Marahas kong pinahid ang luhang bumagsak sa may pisngi ko. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil umiiyak ako sa bagay na ako lang naman ang may alam, na ako lang ang nakakaramdam. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil umiiyak ako nang dahil sa kanya.

Dahil kay Axcel.

Tumagal pa ako roon ng ilang minuto bago ko napagdesisyunang ayusin ang sarili ko. Sinigurado kong walang bakas ng kahit anong luha sa mukha ko bago ako lumabas doon. Ayokong makita at isipin nila na umiyak ako, na naaapektuhan ako sa nangyayari sa paligid ko. Tama nang ako na lang 'yong masaktan, h'wag lang silang madamay pa. Mas ayos na sarilinin ko na lang ang lahat dahil ako rin naman ang maykagagawan noon.

Pagkalabas ko roon ay naaninag ko agad ang isang bulto nang lalaki na nakatayo at hinihintay akong lumabas. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko at hinihintay ang susunod kong gagawin.

"I'm just here, Heena." Seryoso n'yang sabi sa akin. Hindi ko alam pero parang awtomatiko akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kailangan ko ngayon ng isang tao na makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.

At alam kong si Symon lang ang taong iyon.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) On viuen les histories. Descobreix ara