TCK 23 - Kidnapped

2.9K 115 3
                                    

Saturn's PoV

"San ba tayo pupunta Jupiter? Bakit bihis na bihis tayo? " tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasi siya tinatanong kung saan kami pupunta pero hindi naman niya sinasagot... Dapat pupunta ako ngayon sa site upang icheck ung bahay na pinapagawa nila Bella dahil ayon sa information na nakuha ko ay halos 3/4 agad ang nagagawa dito... Sobrang bilis nga eh. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Ayon din naman kay Jupiter ay mukang matibay naman ang pagkakagawa. Kaya siguro mabilis dahil sa dami ng tauhan na nandon...
Kaso heto ako ngayon, kasama ang isang lalaki na hanggan ngayon ay hindi pa din sinasagot ang tanong ko... Ngumiti lang to sakin saka ginulo ang buhok ko...

Isa pang nirereklamo ko ay ang init ng coat na suot ko. Bakit ba kasi kailangan pa ng coat and tie eh... Pwede naman long sleeves na lang... Tsss!

"Alam mo kung hindi ka sasagot. Bababa na ko. Ang init init ng suot ko tapos wala akong makuhang sagot sayo. Napasimple lang naman ng tanong ko. Saan tayo pupunta? " naiinis na ko pero iba na naman sinagot niya

"We're here" he said. Kaya napatingin ako sa labas. Nagulat ako nang mapansin ito...

"A-Anong gagawin natin dito Jupiter? B-Bakit mo ko sinama dito? " I asked him. Then tinignan ko ang isang mataas na building. Nakalalula sa taas

"I have a meeting" he answered

"Eh? Bakit kasama ako? Ikaw lang naman ang may meeting! " nagtataka kong tanong

"Tss. Daming tanong. Tara na! " he said saka hinawakan ang kamay ko at hinila papasok ng building...

Sumakay kami ng elevator at nakita ko na pinindon niya ang 19... So 19th floor ang meeting niya. Taas naman.

Pagbukas nang elevator ay lumabas kami agad ni Jupiter at pumasok sa isang kwarto... Masasabi kong pagpasok pa lang namin... Itong kwartong ito ay board room... Alam kong siya ang may ari ng Solar Industries pero bakit kasama ako dito... Pagpasok namin ay tumayo naman ang lahat ng nasa loob...
Umupo kami sa may unahan... Nasa gitna si Jupiter habang nasa tabi niya ko...

Pagkaupo ko ay dun ko lang napansin na kasama pala namin ni Brent dito. Kumaway siya sakin at mukang tuwang tuwa na makita ako dito. Kahit nag aalangan ay gumanti ako sa kaway niya...

After umupo ng lahat ay nagsalita si Jupiter

"it's not a secret that Im not the only owner of this company right? " he started
"Well, the reason of this meeting is for you to know who is my co-owner ... Wag na nating patagalin pa... Mukang may idea na din kayo kung sino... Well, oo. Katabi ko siya ngayon. Please welcome, my co-owner and the vice-president of this company, Mr. Saturn Reyes! "
Pero parang nabingi ako sa sinabi niya... Wait! Ako? Ako ba talaga? Pero wala akong natatandaang may company ako... Tumingin ako kay Jupiter at nakangiti ito sakin habang napalakpak

Tumingin ako kay Brent at nagthumbs up pa siya sakin... Wait. Nalilito ako. Hindi pa din nagsisink in... Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumayo ako ng dahan dahan saka nagbow... Saka mabilis ulit na umupo. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko
"I just wanna invite you also personally for the welcoming party of Mr. Reyes on Friday, next week. Dont worry, Ill send you also an invites for formality..." he added...

Buong meeting ay wala akong maintindihan hanggang sa mag dismiss na si Jupiter at naiwan kaming dalawa kasama si Brent

"Mukang may nag kaayos na dito ah" pagpaparinig ni Brent

"Yeah pre. Thanks for the help by the way" Jupiter answered him

"Naah. Dont mention it. So tell me, kayo na ba? " he asked

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now