TCK 2 - The Casanova

5.1K 203 10
                                    

Saturn's PoV

Naglalakad kami ngayon ni Shaun papunta sa kanyang school.  Inaantok pa din ako. 
Paano ka ba naman makakatulog ng ayos kung lagi na lang may sumusulpot sa panaginip ko.
Haist...  Bakit ko ba napanaginipan ung Jupiter na yon. Eh kahapon ko lang naman siya nakausap.

"Dada, ayos ka lang po ba? " tanong sakin ni Shaun habang hinihigit ang laylayan ng aking damit.

"ah?  Oo baby.  Bakit mo naman naitanong? " lingon ko dito.  Nakatingin ito sakin ng seryoso

"Dada,  sabing na di na ko baby.  Pati dada kanina ka pa kasi tahimik tapos po ung mata niyo may kakaiba.  May make up ba kayo na nakalagay jan kaya maitim yan? " naguguluhang tanong ni Shaun.  Kahit ako kanina napansin ang eye bags na meron ako noong tumingin ako sa salamin.  Napaka observant talaga ng batang ito.  Walang makakaligtas

"Ah ito ba nak?  Puyat lang si Dada kaya ganto ang mata ko.  Wala akong make up no.  San mo natutunan yan? " tanong ko dito.  Bakit alam na nito ang tungkol sa make up

"si teacher po kasi dada.  Laging nagmake up sa school kaya alam na po namin yan" napatango na lang ako

Malapit na kami sa school ni Shaun nang makita ko na naman si Jacob. Agad itong napatingin samin at sinimulang maglakad papunta samin. Kailan ba titigil itong taong to. Pero di pa siya nakakalapit nang manlaki ang mata niya na para bang nakakita ng multo saka lumihis ng daan.

Napatingin naman ako sa likod ko.  Isang sasakyan?  Nakakatakot na ba ngayon ang sasakyan.
Di ko na lang inisip ang naging reaction niya.  Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Shaun hanggang. Makarating sa school.

"Pano bigboy Shaun.  Alis na si Dada ha.  Pakabait ka kay teacher mo ha.  Wag makulit" paalala ko sa anak ko saka humalik sa pisngi

"Opo dada.  Magbabait po ako.  Promise" sabi naman niya sabay taas nang kamay na para bang nagpapanatang makabayan.

Agad naman akong napangiti sa kanya saka ginulo ang buhok niya.

"Dada, wag mo pong guluhin ung hair ko. Hirap kaya iayos niyan"

Lalo naman akong napatawa sa kanya.

Nagpaalam na ko kay Shaun saka nagsimulang maglakad papunta sa school na pinapasukan ko naman.

Makalipas ang ilang minuto ay agad naman akong nakarating dito.

Pero pagpasok ko pa lang ng gate ay masasamang tingin agad ang naipukol sakin ng mga nakakakita sakin.

Kung bago lang siguro ako dito baka bumaon na ko sa lupa kaso matagal na ko dito kaya sanayan lang yan.

Nagpapatuloy ako sa paglalakad habang ninanamnam ang mga matatalim na tingin ng mga tao sa paligid.

Pagliko ko sa isang building ay nabigla ako sa nakita ko.  Naghahalikan? Umagang umaga.  Tsk! Tsk!
Mas nagulat ako noong makita kung sino.  Si Jupiter.  Well sabagay hindi ko naman siya kilala pa.  At least ngayon may idea na ko sa ugaling meron siya.

I just shrug at nilagpasan sila na para bang walang nakita.
Pero madaming bulungan sa paligid kesyo ang swerte daw nung babae.  Malandi daw ung babae.  Pokpok daw ung babae. 

Kawawang babae.  Sira na agad ang reputasyon niya dahil sa halik lang na yon.

Napailing na lang ako.  Talaga ngang likas na judgemental ang mga tao.

Agad ko naman narating ang classroom ko at umupo sa pwesto ko.

"Guys wala daw si prof.  Ramirez baka free time tayo ngayon hanggang 10 am. " balita samin ng isa sa mga kaklase ko.

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon