TCK 7 - Controlling the feelings

3.9K 175 17
                                    

Saturn's PoV

"Bakit ganto Saturn. Pinipigilan ko naman eh. Kaso bakit ganito ito. Ngayon ko lang ito naramdaman. Nagseselos ako saturn. Nagseselos ako"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Jupiter.
Bakit siya magseselos?

Marami rin akong naisip na mga possibilities sa sinabi niya.
Nagseselos? Pshhh. Maybe nang aasar lang yon
Or maybe pinagtitripan niya ako? Or maybe wala lang siyang magawa?

Dalawang araw na ang nakalipas ay hirap pa din ako makatulog.
Actually, simula noong pumasok siya sa buhay ko ay medyo nahirapan na din ako makatulog. Lagi niyang binubulabog ang isip ko.

Ganitong ganito ako noon kay Jacob. Hindi din siya mawala sa isip ko noon hanggang sa mainlove na ko sa kanya.

At heto na naman. Nauulit na naman kay Jupiter pero at least ngayon. May Idea na ko about what I feel. I can feel that I am slowly falling inlove with him at iyan ang hindi dapat mangyari.

Priorities. I need to focus myself sa mga priorities ko. Hindi ko hahayaang gumulo pa lalo ang buhay ko dahil sa nararamdaman kong ito.
Ngayon pa lang ay kailangan ko nang pigilan ang sarili kong mapalapit pa lalo sa kanya. Ayaw ko nang masaktan pa gaya ng dati. Ayaw ko nang madurog ulit dahil baka kapag nangyari iyon ay hindi ko na kayanin. Kailangan pa ko ni Shaun. Siya ang dapat pagtuunan ko ng pansin at hindi kung ano mang mga bagay.

Iniwan ko muna si Shaun sa bahay. Alam kong hindi ko dapat ginawa yon dahil bata pa siya pero kailangan kong gawin. Kailangan kong makahanap ng trabaho para sa amin. Ipinaliwanag ko naman sa kanya at I am happy na naintindihan niya.

I am really proud with Shaun. Responsible na agad siya sa mura niyang edad. Well may kalokohan pa din at hindi un maiiwasan dahil bata pa siya pero at least, he knows how to follow orders.

Sinabihan ko lang siyang magstay sa bahay and locked the door. May key naman kasi kami ni Jupiter parehas.

Nandito ako ngayon sa isang park. Umupo muna ako dahil napapagod na ko sa kakalakad upang maghanap ng trabaho. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom at mabuti na lang may dala akong sobrang pera. May nakita akong nagtitinda ng fishball at kikiam agad akong tumayo. Pwede na un para mapawi ang gutom.

Agad akong bumili at bumalik sa pwesto ko kanina. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang isipin ang mga what ifs ng buhay ko pero wala naman akong regrets.

What if hindi ako pinalayas at itinago ang pagkatao ko? Nandito kaya ako sa kalagayan kong ito?

Sa kakaisip ko ay may tumawag sakin

"Saturn? " mula sa isang hindi pamilyar na boses. Agad ko naman nilingon kung sino ang tumawag sakin

Isang babae na may katangkaran, may matangos na ilong at brown na mata. Mahabang buhok at mapulang labi. May maputi din itong balat. Pamilyar sakin ang babaeng nasa harapan ko. Ay hindi lang pala pamilyar. Kilala ko. Kilalang kilala ko...

"My Gosh! Ikaw nga Saturn! " bulalas nito at agad lumapit sa akin at akmang yayakapin ako pero agad akong umiwas.

"Sino ka? " tanong ko sa kanya. Kilala ko siya pero matagal ko na silang binaon sa limot. LAHAT SILA!

"S-Saturn ako to, si ate Venus mo. Kamusta ka na? Good to see you here. " Sabi niya sakin na may malungkot na boses
"Miss ka na namin. Miss ka na namin nila mama at ni kuya Merc" dugtong pa nito

"Sorry miss ha. Hindi kasi kita kilala. Baka nagkakamali ka lang. Excuse me. I need to go" malamig na sabi ko dito. Tinignan lang niya ako. Ung tingin na sorryng sorry sa akin.

Despicable Men - The Cassanova KingKde žijí příběhy. Začni objevovat