TCK 12 - First Love

3.6K 173 7
                                    

Jupiter's Pov

Dalawang linggo na ang nakakalipas.  Nandito ako ngayon sa isang lugar na hindi ko akalain na pupuntahan ko ulit.  Tumingin ako sa paligid ko at may mangilan ngilan na tao na nandito.  Naglakad ako nang naglakad hanggang matagpuan ko ang hinahanap ko.

Pagtingin ko palang dito ay bumalik na naman sakin ang nga alaala ng nakalipas, lahat ng masasaya at malulungkot.

Tapos etong panahon na to.  Nakikisama pa ata.

Dala dala ko ang isang bouquet ng bulaklak kasama ang isang pagkain

Umupo ako sa tabi nito at hinaplos ang malamig na bato na nakapatong dito

"Ang daya mo naman. Bakit mo ba kasi ako iniwan" sabi ko...

Sa harap ng maraming tao ay isa akong tarantado, mapanganib at matapang na tao pero ang totoo,  duwag ako.  Duwag na duwag ako.

Bumagsak ang luha ko na hindi ko pinapakita kahit kanino dahil kailangan kong pangalagaan ang image ko bilang isang matapang at malakas na tao...

"Miss na kita..." sambit ko na parang tanga at kinakausap ang lapida niya.

"Your memories will remain in our hearts"

"Justine Santillan Jr."
"January 6, 1995 - April 11, 2014"

"Miss na miss na kita kuya" Sabi ko ulit sabay tingin sa madilim na langit
"Alam mo ba kuya,  nakita ko ulit siya. Hindi ko alam pero hindi nagbago ang tama niya sakin kuya.  Madaming babaeng dumaan sa buhay ko pero iba talaga siya. " panimula ko

Naaalala ko ung unang panahon na nakita ko siya.  Nakita ko ang first love ko.  Nakita ko ang isang Saturn Reyes

Flashback

"Kuya where are we going ba? " iritable kong tanong sa kuya ko.  Bakit ba kasi ako sinama nito. Bihis na bihis pa siya. Samantalang ako pambahay lang

"Easy lang bro,  malapit na tayo"  tumigil kami sa isang bahay na hindi kalakihan pero mukang maayos pa naman.  Naghintay kami ni kuya saglit

"Anong ginagawa natin dito kuya?  Tss.  Dapat nanood na lang ako ng Pokemon ngayon kesa sumama sayo.  alam mo bang most awaited series yon" reklamo ko.

"Tss.  Bro hintay lang.  Saglit lang tayo.  Oh crap!  Ayan na siya" sabi ni kuya na biglang natense habang nakatingin sa isang direksyon...  Nakita ko ang isang babae na maiksi ang buhok,  maputi ito,  hindi katangkaran pero masasabi kong maganda siya.

"Bro,  siya un.  Siya ang mapapangasawa ko.  Ano? pasado ba?  Maganda ba? " tanong ni Kuya na ikinabigla ko

"A-Asawa kuya?  Are you insane?  Alam na ba nina mama to?  Alam mo naman na bawal di ba? " sermon ko sa kanya

"I know lil bro pero I cant help it.  I know that she's the one.  The first time I saw her was magical,  she walks elegantly while wearing her beautiful smile then suddenly, my heart starts beating fast,  so fast that I cant breathe then there was a slow motion then that day, I realized and also, I said to myself that this girl will be my wife.  I already love her" kwento ni kuya with matching actions pa.  Tss.  Inlove na nga ang kuya ko

"Tss.  Eh ano pang ginagawa mo dito?  Puntahan mo na.  Ligawan mo na." utos ko sa kanya

"Ah.  Eh.  Nahihiya ako eh" sabi ni kuya with matching kamot pa nang ulo.  Napanganga naman ako sa sinabi niya

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now