TCK 5 - Other Side

4.1K 194 7
                                    

Saturn's Pov

Maaga akong nagising ngayong araw dahil may pasok kami ngayon.

Pero ramdam ko pa din ang antok ko. Takte kasi tong si Jupiter. Simula nung sinabi niya yon, dalawang gabi na akong walang sapat na tulog.

Nandito ako ngayon sa kusina. Si Shaun ay nagbibihis na. Naligo na muna kasi kami ng sabay bago ako magluto. Baka malate kami kung isa isa pa. Saka baka maghintay ng matagal si Jupiter.

Si Jupiter? Naliligo na. Kanina pa nga yon sa Cr. Grabe! Ang tagal maligo aba. Daig pa ang babae parang isang oras na ata sa banyo.

tapos na ko magluto at inaayos na ang kakainan namin nang lumabas na ito ng Cr. Napatingin naman ako sa kanya. Bigla na lang akong napalunok nang makita ko siya pero agad ko din na compose ang sarili ko sa kunwaring walang nakita. Paano ba naman. Isang greek God ang nasa harapan ko. Nakatapis lang habang natulo pa ang tubig sa kanyang buhok tapos ang muscles at abs niya na pamatay.

Di ko maipagkakaila. Naaakit ako. Pero kailangan kong labanan. Tumalikod ako sa kanya, kunwari may gagawin pero wala na talaga. Para di siya makahalata ay pumunta ako sa sink at naghugas ng kamay. Kahit kakahugas ko lang talaga ng kamay.

Narinig kong tumawa siya ng mahina. Hindi ko na lang pinansin. Narinig ko ang yabag niya palabas ng kusina upang pumunta sa kwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Grabe. Pinagpawisan ako dun.

Humarap na ako sa table.

"Shaun!!!! Kakainan na. Tara na! " tawag ko kay Shaun

"Coming Dada! " sabi naman niya

"Jupiter!!! Ikaw din. Bilisan mo! " sigaw ko sa kanya

"Cumming Saturn! " sigaw niya pabalik na tatawa tawa.

Tae ka Jupiter. Pinagsasasabi mo!!!

Dumating na ang dalawa. Pagtingin ko kay Jupiter. Nakasuot ito ng isang navy blue shirt and White pants. Panget para sakin ang suot niya pero shet... Bakit ang gwapo pa din niya.

Umiwas na ko ng tingin baka kasi makahalata na siya.

"Umupo na kayo nang makakain na. Bilisan mo Shaun ha. Baka malate tayo" bilin ko kay Shaun saka nilagyan ng pagkain ang pinggan niya.

"Yes Dada. Tara po pray na tayo nang makakain na!" Saad ni Shaun

After namin magpray ay nagsimula na kaming kumain

"Sabay na kayo sakin" napatingin naman ako kay Jupiter nang sabihin niya yon

"Wag na. Ok na kami ni Shaun. Mauna ka na! " tanggi ko sa kanya

"No. I insist. Besides maaga pa naman. And mas mapapabilis ang paghatid natin kay Shaun. Di ba shaun gusto mo yon? " litanya niya. Grabe talagang sinakay pa niya si Shaun para lang pumayag ako

"Oo nga dada. Para hindi na po tayo mapagod kakalakad. Pleaseeeeee!" sabi ni Shaun na nagpapacute pa.

Sino ba naman ang makakatanggi sa cute na batang ito.

"Tss. Sige na. Kumain na kayo Jan. Bilisan niyo! " pagsuko ko sa kanilang dalawa

"Yehey! " masayang sabi ni Shaun

"High five lil man. !" sabi naman ni Jupiter na tinaas pa ang kamay upang makipag apir kay Shaun. Tumugon naman si Shaun sa kanya.

Haist. Mukang magkasundo na ang dalawa

Natapos na kami kumain. Mabilis namin hinatid si Shaun sa school niya. Kami na lang ni Jupiter sa loob ng sasakyan niya.

"Tahimik mo?" tanong niya

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now