TCK 14 - Neglected

3.7K 171 3
                                    

Saturn's PoV

After 3 years

"Anak ok ka lang ba? " tanong sakin ni papa habang dala dala niya ang kanyang bagahe

"Yes pa.  I just miss this place" maikling sagot ko sa kanya sabay libot ng paningin ko,  napangiti ako ng konti.  Nasa Pilipinas na ulit ako.

So loob ng tatlong taon ay walang madyadong nagbago dito.
Biglang pumasok sa isip ko si Shaun

"Shaun,  Dada is back!  I am back for you baby" nasabi ko na lang

"Pa,  Saturn,  lets go,  they're waiting for us na" singit ni kuya sa aking pagmumuni muni .  Kinuha ko ang bagahe ko saka sumunod sa kanya.

Kamusta ka na kaya Shaun?  Naaalala mo pa kaya ako?

Naging mahirap ang pag aadjust ko sa habang nasa canada kami nila papa.  Doon ko rin nalaman na may trauma pala ako sa mga nangyari dahil gabi gabi akong binabangungot at binabalikan ng nakaraan.  Nagtheraphy ako doon hanggang sa gumaling ako.

Noong nakayanan  ko na ay bumalik ako sa pag aaral at ngayon ay isa na akong architect, maibibigay ko na kay Shaun lahat ng pangarap namin.  Mula bahay hanggang sa pamumuhay na binuo namin sa isip ko.

Konting panahon na lang Shaun.  Magsasama na ulit tayo.

Habang naglalakad kami ni papa ay hindi maiwasan na makakuha ako ng attention. Malaki na rin ang pagbabago sa pangangatawan ko.  Lumaki na ito dahil batak na din sa gym.  Mas pumuti pa ang balat ko, at hindi sa pagmamayabang ay mas naging gwapo ako ngayon. Gwapo nga kaso gwapo din ang hanap ko. 

Napangiti ako sa ideyang iyon.

Nang makasakay kami nila papa ay agad kaming pumunta sa bagong bahay namin pero hindi din ako nagtagal don dahil mas gusto kong pumunta sa bahay ko,  bahay namin ni shaun

Madaming tumatakbo sa isip ko.
Kung ano na ang itsura ni Shaun,  galit ba siya sakin?  At kung ano ano pa. 

Mabilis naman akong nakapunta dito,  pagbaba ko ng taxi ay agad akong lumapit sa bahay.  Nakakapagtaka lang dahil parang hindi man lang naging luma ang bahay.  Pagpasok ko sa loob ay mas lalong nakakagulat na maayos lahat ng gamit.  Malinis ang bahay,  nakalagay sa tama lahat ng gamit, may kuryente at mukang may linya din ng tubig

Pumunta ako sa kwarto namin ni Shaun,  maayos din ito.  Maayos ang pagkakatiklop ng mga gamit,  malinis ang kama at mukang nagagamit.  Pero sino ang gagamit? Habang pinagmamasdan ko ang kwarto namin ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya agad akong lumabas ng kwarto para tignan

Kapwa kami nagulat sa isat isa.  Walang gumagalaw samin.  Nakita ko ang mata niya na may halo ng pagkagulat, lito at pangungulila.  Hindi ko na namalayan ang mga sandali ay binalot niya ako ng kanyang braso ng sobrang higpit...

"S-Saturn, Ikaw nga si Saturn!  Hindi ito panaginip di ba?  Bumalik ka na? " sunod sunod niyang sabi.  Ako naman ay naguluhan sa kanya

"Akala ko hindi ka na babalik samin ni Shaun,  akala ko hindi na ulit kita makikita.  Ang tagal kong naghintay, ang tagal kong pinangarap na makita ka ulit.  Sobrang saya ko ngayon saturn.  Sobrang saya ko" bakas sa boses niya ang pangungulila at saya.  Ramdam ko sa bawat yakap niya

"J-Jupiter" ang nasambit ko na lang

"Mahal kita Saturn" pagkasabi niya nang mga salitang yan ay parang hinaplos ang puso ko. Sobrang saya ng pakiramdam ko.  Parang dinaluyan ng milyong boltahe ang katawan ko.
"Mahal na mahal kita" dagdag pa niya

Nabigla na lang ako ng may dumamping labi sa mga labi ko.  Di ko alam ang irereact ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumugon sa halik niya.

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now