TCK 4 - Housemate

4.3K 193 15
                                    

Saturn's Pov

Lumipas ang isang linggo,  patuloy pa din ang pagdating ng mga bulaklak sa table ko,  locker ko,  kahit sa bahay ko ay nagpapadala na din.  Consistent ang pagpapadala nito. 

Blue and Red roses...

Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong idea kung sino ang nagpapapadala. 

Iniisip ko si Jacob kaso base sa mga sinulat ng mga nagpapadala ay sa pumapasok ito sa school na pinapasukan ko dahil araw araw daw nila ako nakikita sa classroom namin.

Halos lahat nga ng dumadaan na tumitingin sakin ay pinaghihinalaan ko na.  Lalaki man o babae.

Kasama ko ngayon si Shaun patungong trabaho. Nagkukwento ito about sa mga ginawa nila sa school.

"alam mo dada,  binigyan na naman ng star ako ng teacher kasi I answered her hardest question kanina" proud na sabi ng anak ko.  Ngumiti ako sa kanya

"Talaga big boy?  Anong question ba yan? " tanong ko naman sa kanya. 

"5 + 3 dada.  Walang makasagot kanina.  Tapos syempre i count really good kaya nakuha ko ung 8 as answer.  Di ba dada?  Im good? " proud pa din na sabi ni Shaun na para bang pinapahiwatig na sabihin ko din na magaling siya dahil hard nga ung question niya

Napangiti na lang ako sa kanya.  Kahit papaano,  sa mga simpleng gawa nitong si Shaun,  gumagaan ang buhay namin.

Pagdating namin sa restaurant ay agad akong nagpalit ng uniform at iniwan si Shaun dun sa dating pwesto niya.  Gagawa daw siya ng assignement niya.

Di pa ako nakakapagsimula ng lumapit sakin manager namin.

"Saturn in my office now. " utos nito sakin.
Bigla naman akong kinabahan dahil iba ang tono nito.  Agad akong sumunod sa office nito.

Kumatok muna ako sa pinto saka pumasok.

Nakita ko siya sa may table niya.  Seryoso ito.

"Maupo ka muna saturn" sabi nito.
Pagkaupo ko ay agad itong nagsalita

"di ko na patatagalin ito saturn.  Im sorry but we need to let you go" casual na sabi nito.  Nabigla naman ako sa sinabi niya. Di agad ako nakausap

"p-pero bakit sir?  May nagawa po ba akong tama? " tanong ko sa kanya. Naguguluhan ako.  Bakit biglaan

"sorry saturn but it is final. May mga nagrereklamo kasing customer dahil sa anak mo. "

"H-Ho?  Bakit ho?  May nagawa po bang masama si Shaun?  Tahimik naman po siya ah.  Wala naman pong problema" paliwanag ko

"Oo wala.  Kaso may mga customer na ayaw non.  Bakit daw may bata na nandito hanggang gabi. Bakit daw namin pinapayagan na may bata dito sa working area.  Di daw maganda ito,  baka mapasama pa ang lagay ng restaurant " paliwanag nito.

"Alam niyo sir.  Hindi ko po magets ang punto niyo.  Wala po kaming ginagawa ni Shaun.  Pero kung buo na po ang desisyon na paalisin ako. Kami.  Sige po.  Tatanggapin ko ho.  Salamat po sa opportunity. Sige ho.  Alis na ko" sabi ko dito.  Agad akong lumabas ng office niya.  Paglabas ko pa lang ay agad bumuhos ang luha ko.  Paano na kami nito.

Kailangan ko na naman maghanap ng bagong trabaho.

Agad akong nagpalit nang damit.   Iniwanan ko na ang uniform ko at pinuntahan si Shaun... Nakita ko ang anak ko na nagsasagot ng assignment niya.

Agad kong pinahid ang luha ko. Ngumiti.
Saka lumapit sa kanya

"Anak,  tara na! " sabi ko sa kanya. Nabigla naman siya dahil agad kaming uuwi

Despicable Men - The Cassanova KingOnde histórias criam vida. Descubra agora