TCK 10 - Broken

3.9K 167 12
                                    

Saturn's PoV

Naging masaya naman ang christmas at new year namin ni Shaun kasama si Jupiter, nakaipon naman din ako ng pera para samin ni Shaun

Papasok na kami ni Shaun, ihahatid kami ni Jupiter nang may mapansin ako kay Shaun. Matamlay siya

"Baby ok ka lang? May masakit ba sayo? " tanong ko sa kanya

"Wala po dada, lobat lang po ako" matamlay na sabi ni Shaun

Hinawakan ko naman ang noo niya. Normal naman

Si Jupiter, aun medyo naging extra sweet siya ngayon. Kaso hindi ko pa rin maiwasan na matakot kasi lalo siyang naging bugnutin, lalo na kapag may lalapit sakin na iba. Tinitignan niya lagi ng masama at ayon ang ending, hindi na ulit lumapit sakin

Pagkahatid namin kay Shaun ay pumasok na kami ni Jupiter.

Same scenario ang ginagawa namin. Hinahatid niya ako sa room namin kaya laging nakaabang ang mga classmate ko, hindi lang sila kundi pati ang mga katabi namin na classroom, nakaabang sa pagdating namin masilayan lang si Jupiter.

"Ill go now Saturn, see you later" sabi niya. Hindi na siya pumasok

Pagpasok ko sa room ay nay blue roses sa bangko ko. Ung red? Matagal nang tumigil. Well mabuti na din un nang iisa na lang ang problema ko.

May note dun sa blue rose

"kailan mo ba ko mapapansin"

Nakalagay sa note.

Napakunot naman ang noo ko. Sino ba kasi ito.

Nilagay ko na lang ang blue rose sa bag ko. Mahirap na. Baka makita pa ni Jupiter, Gera na naman ito.

"Kamusta ang christmas vacation Saturn? " tanong ni Bella kasama si Eidreia at Felicity. Wala kasi akong naging balita sa tatlong ito noong christmas vacation

"Ok lang naman. Dun ako nagwork sa hotel nila brent then dun ako nagstay kina Jupiter for christmas and new year" walang sabi ko lang na kinabigla nila

"D-Doon kina Jupiter? Sa bahay mismo nila? " hindi makapaniwalang tanong ni Bella
"Pero hindi siya nagpapapunta sa bahay nila, kahit mga DM daw ay hindi pa nakakapunta doon" paliwanag na dagdag pa niya

"Ah, eh. Hindi ko alam. Basta ang alam ko bahay nila un. Ang laki kasi eh."sagot ko naman

"Nako saturn ha. Iba na yan. Baka may relasyon na kayo ni Fafa PJ, awwww. Inggit much! " singit ni Felicity
"Nako kung meron talaga saturn, ipapasalvage kita hahaha" dagdag pa niya, natawa naman ako. Si Eidreia naman ay binatukan siya..

"Wala kang kasing harot na bakla ka! " singhal nito kay Felicity

"Eh kasi bakla, nakakainggit" sagot ni Felicity

"So tell us Saturn, what's the real score between you and PJ? " tanong ni Bella

"Ahh? We're friends?" di siguradong sagot ko..

"Friends? May friends bang ganon na hatid sundo ka. Tapos ikaw pa lang ang nakakapunta sa bahay nila?" sacastic na pagkakasabi ni Bella

"Hmmm. Sinabi niya na may gusto siya sakin, pero hindi ako naniniwala. Knowing him. He's a Casanova" pag amin ko sa kanila about Jupiter's feeling towards me na nahihirapan akong paniwalaan kung totoo, pero may part naman sakin na naniniwala, mas malaki nga lang ang part na hindi. Natatakot ulit ako madurog

"Oh my gosh!!!!! Kyaaaaaa!!!!" tili ni felicity at eindrei na malakas kaya napatingin naman samin ang lahat. Buti na lang dumating na ang prof namin pero nakatingin pa din sakin ang tatlo na nagsasabing 'may utang ka na kwento samin'

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now