TCK 19 - The Return of the king

3.1K 126 1
                                    

Saturn's PoV

Mag isa ako ngayon dito sa bahay.  Waiting for Shaun.  Ngayon daw dadalin dito si Shaun dahil nasa akin na ulit ang custody niya. 

Nakaalis na din si Jacob papuntang Batanes.  Day 2 na nila doon.  3 araw ko na din na hindi nakikita si Jupiter.  Pagkatapos ng gabing iyon ay wala na kong balita tungkol sa kanya. 

Hindi ba dapat matuwa ka Saturn?  Ginusto mo to di ba? Ginusto mong siyang lumayo

Hindi ko alam pero bakit tumulo ang luha ko.

Unti unting bumabalik na naman sa ala ala ko lahat ng ginawa ni jupiter sakin.
Lahat ng sinabi niya sakin nang gabing yon ay tumama talaga sakin.

Naging manhid ako pagdating sa kanya. Hindi ko inisip ang nararamdaman niya.  Puro ako.  Ako. Ako. 

Hindi ko man lang naisip ang SIYA

Anong gagawin ko?  Hindi ko kayang saktan si Jacob.

Sumasakit ang ulo ko...
Habang nag iisip ako ng kung ano ano ay may kumatok sa pinto

Pagbukas ko ay biglang may yumakap sakin

"Dada!  Miss na kita" Si shaun,  habang naluluhang nakayakap sakin

Bumaba naman ako at tumapat sa kanya at niyakap din siya

"Miss na din kita baby.  I really missed you so much" sabi ko pero may hinahanap ako.  Tinignan ko kung sinong naghatid sa kanya
Pero wala akong nakita

"Sinong nagdala sayo dito baby? " tanong ko sa kanya

"Si papa po.  Kaso umalis kaagad siya kasi busy daw po siya.  Madami daw siyang ginagawa" paliwanag ni Shaun.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa sinabi niya.

"Dada natatakot po ako kay papa ngayon. Muka lagi siyang galit tapos laging mainit ang ulo niya tapos laging lasing po siya.  Bakit po ganoon na si papa?  May problem po ba siya? " nagtatakang tanong ni Shaun

"H-Hindi ko alam baby.  Baka nga may problem si Papa mo" sagot ko sa kanya
"Tara baby?  Pasok na tayo,  pinagluto na kita ng chicken" saka kami pumasok at dumiretso sa kusina

Habang kumakain si Shaun ay naisip kong ipasyal siya

"Baby gusto mong mag mall? " tanong ko sa kanya.  Bigla naman kumislap ang mga mata niya na parang maningning na bituin sa langit

"Opo dada.  Kasama po ba natin si papa? " tanong niya pabalik

"Hindi baby.  Tayo lang" sabi ko sa kanya

"Ganoon po ba? Akala ko kasama si Papa. Mukha po kasi talaga siyang malungkot.  I want to make him happy dada" sabi ni Shaun.

"Pero hindi natin alam kung nasaan si papa mo.  Maybe next time baby.  Isasama natin siya" ngumiti naman siya sa sinabi ko

"Talaga po dada? " tumango ako sa kanya saka ngumiti
"Yeheyyyy! Yeheyyy! " tuwang tuwa niyang sabi

Nag ayos na kami ni Shaun at dali dali kaming pumunta sa mall.  Nag arcade kami,  sumakay si shaun sa mga kiddy rides na meron doon,  nang mapagod siya ay umupo kami muna sa bench.  Habang pinupunasan ko siya ng pawis ay nagsalita siya

"Dada si papa" sabi ni Shaun habang tinuturo ang kinalalagyan ni Jupiter na ngayon ay may kasamang babae or should I say mga babae.  Parang mga ahas kung makalingkis sila kay Jupiter

"Tara dada,  lapitan natin si papa" sabi ni Shaun.  Pipigilan ko sana siya ng manakbo na siya kay Jupiter

"Papa,  papa! " sigaw ni Shaun pero hindi lumingon si Jupiter hanggang sa nakalapit na ito sa kanya.  Nakasunod naman ako.  Nakamasidbsa kanila

Despicable Men - The Cassanova KingWhere stories live. Discover now