Chapter 41: A Week to Peek

ابدأ من البداية
                                        

“Hay.” Umupo ako sa upuan na katabi ng table na pinagpapatungan nito. I rested my elbow on the table and rested my chin on my palm, staring straight at the flower.

Brings back tons of memories. Kung paano namin hinanap ang seed nito, kung paano itinanim, inalagaan. Damn, parang mamamatay na ako sa inaakto ko. Ikakasal ka lang, Martina, 'wag kang OA. Bakit ngayon lang ako nagre-reminisce ng ganito? Hindi naman ako pagkakaitan ng mundo once na maikasal ako, 'di ba? Ang OA ko talaga, kaasar.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang sasabihin ito, pero heto na naman ako, natatakot na maikasal kay Matthew. Ang bilis kasi talaga ng lahat, sang-ayon ang lahat. 'Yung nagpapadala ng sulat sa akin, mukhang siya lang ang hindi. Natatakot din ako kasi baka mag-gate crash siya the day of the wedding para pigilan ang kasal namin. She stopped sending shits to me, but I can't be confident about that. Aish, if she wants Matt, she can have him now. Magpakilala na siya nang maaga sa akin habang wala pang masyadong arrangements na masasayang. Kawawa ang mga taong nag-aayos at magliligpit once na hindi matuloy ang kasal. Ayoko ring masaktan at umiyak sa harap ng maraming tao kapag naisipan niyang manggugulo. Buntis ako at ayaw ko nang ma-stress masyado kaya please! Ngayon pa lang, kunin niya na si Matt.

“Yeah!” hampas ko sa table, “Kunin mo na si Matt ngayon, habang maaga pa dahil ayokong magmukhang tanga sa harap nang maraming tao!” kausap ko sa carnation na nasa harapan ko.

“Are you crazy?” Hala, puta! Sumagot siya! Lalaki pala 'tong bulaklak na 'to? Okay, hindi siya maganda, gwapo siya.

“Yes, I am, because I am talking to a flower. Gosh, kunin niyo na si Matthew dahil ayaw kong masaktan sa araw na dapat ay masaya lang. Kung sino ka mang babae ka na nagpapadala ng sulat, iyong-iyo na ang babe ko... kahit... kahit na love na love ko siya.”

“Babe, what the fuck are you saying?!” I felt arms wrapped my body. And yes, I felt tears flow down from my eyes.

“I... I thought, I was talking to a flower....”

Hinila niya ako patayo at muling niyakap, “You shouldn't be crying, our baby might get your stress.”

“I got scared of the flower kaya napaiyak ako.”

“Liar, I heard everything you said.”

Hindi ako sumagot, pinakalma ko na lang ang sarili ko habang yakap-yakap niya. Maya-maya pa ay nagsalita siya na nagpakirot ng puso ko. Ang sama ko talagang tao, kaya hindi talaga ako deserving na mag-settle eh.

“Can you really send me away with someone else, babe? That easy? Kaya mo akong ipamigay kahit na alam naman nating dalawa na mahal mo ako? Magkakaanak na tayo pero ganiyan pa rin ang mindset mo. You are too generous and I hate that about you. You don't like risking and I hate that about you too. Ako ang lalaki at ikaw ang dapat kong ipaglaban, but, babe, I can't do that alone. I can't fight alone and win this love between us alone without you. Babe, you need to fight too — you need to help me. Masyado kang takot na maulit ang nangyari sa'yo noon, pero hindi na mauulit 'yon dahil hindi ako katulad ng past mo. I can prove that to you, just please, babe, fight along with me. Ayaw kong mawala ka, sana gan'on ka rin. Mas masakit isipin na naiwan ka nang wala kang ginagawa, believe me, I've been through it when he got you before. Ayokong pagsisihan natin ang isa't isa kaya please, babe, please! Be with me, no matter how hard and hurt everything would be.”

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Siguro nga, tama siya, oo, mas masasaktan ako kung hindi ko siya ipaglalaban. He's always on my side since then, pero ako itong hindi nakapapansin sa kaniya. Gusto kong ipaglaban siya. Natatakot pa rin ako pero tama siya, I should fight along with him. Matthew is mine already, and the love we have for each other will strengthen everything if we fight together... for each other.

Escaping Stringsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن