Ngunit kahit takot na takot ako ay patuloy pa rin ako sa pagkapa sa paligid, hanggang sa may maramdaman akong malamig na hanging dumampi sa balat ko.

"May tao ba dito?!" Ulit kong sigaw sa kawalan at bigla nalang nagtindigan ang aking mga balahibo nang may marinig akong boses.

"Asper." Turan nito. Hindi ko makita ang nagsalita dulot ng kadiliman ngunit alam kong boses ng babae iyon. Laking gulat ko nalamang nung biglang nagsimulang magliwanag ang nasa may paanan ko. At naglaon, lumiwanag na rin ang paligid, doon ko nakita ang repleksyon ko sa sahig.

'Panganip lang ba 'to?!' Parang nakatayo ako sa ngayon sa ibabaw sa ibabaw ng tubig pero hindi ko maramdaman yung mismong tubig tanging repleksyon at nagriripple na sahig lamang ang nakikita ko. Hindi ko naramdamang basa yung mga paa ko.

Bukod sa nakakawindang na pangyayaring iyon ay hindi ko magawang alisin ang titig ko sa mukha ko, bakit parang hindi na ako ang nakikita ko?!

Doon ko lamang narealize na hindi talaga ako ang nasa reflection sa tubig nung bigla itong ngumiti sa akin. Punyeta!

Nanlalaking mata akong napaatras sa takot. 'Jusko po! Wag niyo ho akong takutin!'

Mangiyak-ngiyak akong umatras ngunit nakasagi naman ako ng kung ano, dahilan ng aking pagkakatumba rito.

Shit. Ano nanaman ito?!

Sa oras na lumapag ang mga kamay ko sa bagay na nakapagpatumba sa akin ay doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan ang paligid, mabato ang nasa ceiling ngunit may butas ito ma direktang nakasilip sa buwan. Nung makita ko iyon ay biglang nawala ang takot at kaba ko parang isang mahikang nagpapakalma sa akin. Yung kaninang pag-aalinlangan at walang kasiguraduhang pakiramdam ay napalitan ng pagkapayap at pagkakalmado.

Sa isip ko, napakaganda pala ang lugar kung saan ako napadpad, napakatahimik at yung tipong ang lugar na ito ay biyaya ng diyos sa kalikasan at wala ni sino mang nagcorrupt sa lugar na ito. Parang bang isang sanktuwaryo na prinotektahan ng kalikasan.

Nung maialis ko ang tingin ko sa buwan ay napadako naman ang mga tingin ko sa kanang kamay ko. Natumba pala ako sa bed ng bulaklak na kulay puti, kaya pala hindi masakit ang pagkatumba ko. Sa paligid din nito ay mga damong hindi ako pamilyar ngunit sa mismong lugar na ito. Napatitig ako dito saglit nang may biglang imaheng pumasok sa isip ko.

'Pamilyar ang lugar na ito!' Saka ako napatayo nang mabilis at inikot ang paningin sa paligid. Ito yung lugar sa panaginip ko noon! Yung parang kweba!

Hahakbang na sana ako nang may biglang lumitaw sa may di kaluyuan. Isang babae iyon na nakabestida ng kulay puti. Katamtaman lamang ang tangkad niya at sa itsura niya ay parang kaedad lang siya nila ate Azure, kung tutuusin nga mas maganda pa siya sa akin. Dahil siguro doon kaya imbis na matakot ako sa biglang pagdating niya ay tila naging statwa ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan siya. Hindi ko mapunto kung bakit pero parang magaan siyang titigan. I feel no threat and I am not sure why, pero parang alam kong hindi niya ako sasaktan.

Nakangiti lang siya sa akin habang umaayon ang kulay pilak niyang buhok sa bawat hakbang na ginagawa niya patungo sa akin.

"Asper." Malumanay nitong sabi.
"Sino ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit niya ako kilala?

Magtatanong pa sana ako ngunit natigilan ako nang biglang tumulo ang mga luha nito. At sa puntong iyon, nakaramdam ako ng kirot sa puso. 'Bakit ganon? Bakit pakiramdam ko ay kilala ko siya at napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya?!'

"Asper." Pag-uulit niya sa pangalan ko. O-okay? "Sa wakas nagkita na rin tayo." Mahinang sabi niya nang magkaharapan na kami.
"Anong ibig mong sabihin?" Sa ganito kalapit namin hindi ko maiwasang titigan siya, hindi ko alam kung bakit pero sa paningin ko meron kaming pagkakahawig. Wow. Isang hilatsa lang pala ang pinanggalingan namin. Shocks! So ganito pala ako kaganda kung ganyan itsura ng buhok ko?! Oh my.

Lost Academy Where stories live. Discover now