CHAPTER 2

512 20 0
                                    

Christine POV


Naglalakad ako sa campus namin hindi ko alam pero feeling ko may masamang mangyayari. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad


LAKAD

LAKAD

LAKAD


*BOOGSH*



Biglang may tubig na tumapon sa akin mula sa itaas at pagtingin ko nandon ang Hot Dragons. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad basang-basa na ako wala pa naman akong dalang pamalit. Pagdating ko sa room nandon na si Bailey at napatingin siya sakin at ngumiti pero unti-unting napakunot ang noo niya.


"Bakit basang-basa ka???" tanong niya.


"Nabuhusan kase ako nung janitor hindi naman sinasadya" sabi ko sabay pilit na ngumiti


"Ahh ganon ba magpalit ka muna....ito oh!" sabi niya at inabot ang T-shirt at pants na dala niya.


"Thank you" sabi ko at pumunta na sa CR para magbihis at pagkalabas ko hindi ko napansin na may balat ng saging sa sahig kaya nadulas ako at nakita ko ang HOT DRAGONS na tumatawa. Buti na lang hindi nabasa ang damit ko pero may sugat ako sa may kamay napahawak kase ako sa may railings at may matulis na bagay kaya nasugatan ako. Habang naglalakad ako papuntang room nakasalubong ko si Alexius ngumiti na lang ako pero. bigla niyang Hinawakan ng mahigpit ang kamay KO na may sugat

"Aray!!! nasasaktan ako ano ba!!!" sabi ko


"Bakit sinabi mo sa buong campus na boyfriend mo ako??" sabi niya


"Huh??? ano bang sinasabi mo....wala akong pinagkakalat na boyfriend kita" sagot ko.

Itinulak niya ako at akmang susuntukin ng biglang dumating si Bailey


"Teka pare babae yan" sabi ni Bailey at lumapit sakin


"Ano ngayon kung babae yan???...Basta ang alam ko pinagkalat niya na boyfriend niya ako" sagot ni Alexius

"Sino ba ang nagsabi sayo ha???" tanong ni Bailey


"Ang Hot Dragons...Bakit??" sabi naman ni Alexius


"T@ng@ ka pala ehh!!!....naniwala ka sa mga yun eh sila nga ang nagkakalat na boyfriend ka ni Stacey.....Hindi mo na nga naaalala si Christine sasaktan mo pa" sabi ni Bailey



"Tara na nga Christine at wag ka ng lalapit sa Bestfriend mong nang-iwan" dagdag pa niya at hinila na ako papalayo.



Naiwang tulala si Alexius. Ang malas naman ng araw na to tatlong beses akong napahamak mag-iingat na nga ako sa susunod *sigh* Nandito kami ngayon sa bahay pagkatapos kase ng nangyari hinatid na ako ni Bailey at ginagamot niya ako ngayon


"Ok na ba?? mag-ingat ka kase" sabi niya


"Simula ngayon lagi ka ng sasama sa akin at ihahatid sundo kita" dagdag pa niya. Ngumiti na lang ako bilang


Alexius POV


Ilang araw na rin ang nakalipas ng lumipat ako dito sa Sagpro University. Hindi ko kung bakit dito ako pinapasok ni Dad. Habang tumatagal laging sumasakit ang ulo ko tuwing nakikita ko yung Christine na Bestfriend ko daw pero wala akong maalala at sa tuwing sumasakit ang ulo ko lagi na akong nasa Clinic. Habang nagkukwento ako sa inyo biglang may nagsalita


 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now