CHAPTER 33

161 3 0
                                    


Axel POV

Nandito ako ngayon sa restaurant na pinuntahan namin ni Chrisha at ina-absorb ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni Chrisha pagkatapos niyang ibigay sakin yung gift.

"Ano ulit yun??" tanong ko baka mali lang ako ng dinig eii.

"Sabi ko I'm Truly Your's Now." sabi niya at tumungo.

"Ibig sabihin ba nun sinasagot mo na ako??" tanong ko at agad naman siyang tumango.

"Na-realize ko kasing mahal na kita at saka lagi kang nandiyan para sakin at---" pinutol ko na yung sinasabi niya.

Tumayo ako at agad siyang niyakap habang naka-upo siya.

"Thank you." bulong ko sa kaniya.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling bumalik sa pagkaka-upo ko.

"Hmm...buksan mo na yung gift ko." sabi niya.

"Okay...Ano kayang laman nito??" tanong ko sa sarili ko.

Binuksan ko na yung gift niya sakin. Pagbukas ko nakita ko yung camera at photo album.

"Woah! Camera tapos photo album...Thank you Chrisha." sabi ko.

"Always welcome." sagot niya.

"Bakit pala ito ang naisip mong iregalo sakin??" tanong ko.

"Gusto ko kasing bumuo tayo ng memories gamit ang camera na yan tapos mga pictures lang nating dalawa yung ilalagay diyan sa photo album." sagot niya.

"Ah ganon ba...Hmm ngayong tayo na ano naman ang tawagan natin??" tanong ko.

"Hindi ko alam ikaw bahala." sabi niya.

"Hmm...Babe na lang kaya." sabi ko.

"Ayoko nun kadalasan kasing ganon ang tawag ng kabit or mga malalandi sa lalaki." sabi niya.

"Okay...Love na lang pwede??" tanong ko.Medyo nahihiya ako HAHAH

"Okay..." sabi niya at inubos na yung food niya.

"Anong oras na ba LOVE??" tanong ko at medyo diniinan yung pagkakasabi ng love.

"8:45 pm na...Hindi ka pa ba tapos??" tanong niya.

"Okay na love pwedeng pwede na nga tayong umuwi." sabi ko.

"Okay lang ba??" tanong niya.

"Oo naman at saka pagod ka na rin kase alam kong madami kang ginawa kanina." sagot ko.

Inayos na namin ang mga gamit namin at sumakay na kotse. Pagdating namin sa bahay nila hindi na ako pumasok sa loob.

"Sure ka hindi ka talaga papasok sa loob??" tanong niya.

"Oo naman...Goodnight Love." sabi ko bago siya bumaba ng kotse.Naiilang ako pero okay lang yun masasanay naman ako at tsaka ako nanggawa nun ei NAKU KA TLGA

"Goodnight din Love." sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.Bigla naman nag init yung pisnge ko at natulala

"Uyy nakaw yun ah." sabi ko. Bakit ako ang pagpupulahan diba dapat babae hayy nakuu peroo hayaan na lng minsan lang naman to

"Hahhaha wag ka ng mahiya alam ko namang kinilig ka...Goodnight Happy Birthday ulit." sabi niya at tumakbo na sa papasok sa bahay.

Sa bagay kinilig nga naman ako...Makauwi na nga. Nag-drive na ako pauwi at nga pala sa bahay pa rin nina Kuya Jay ako nakatira dahil nagka-ayos na kami. Pagdating ko dun ay nasa sala si Kuya Jay at mukhang may iniisip.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now