CHAPTER 31

157 5 0
                                    


Bailey POV

Naging masaya ang araw na ito para sakin ang kaso naging malungkot rin ng magsimula na silang magpaalam sakin.

"Bailey mag-iingat ka dun ha." sabi ni Felix.

"Oo nga kapag may problema nandito lang kami free na free pwedeng tawagan." sabi ni James.

"Sana magtagumpay ka sa kailangan mong gawin." sabi ni Shane.

"Alam naman namin na kaya ka lilipat dahil susundan mo si Christine at muling ibabalik ang dating siya." sabi nung isa naming kaklase na ipinagtaka ko kung paano nila nalaman.


Tumingin ako kay Felix at nag-sign naman siya na hindi niya alam.

"Walang kinalaman si Felix dito Bailey kami kami lang rin ang nakaalam. Napansin kase namin na saka ka lang lilipat kung kailan nakalipat na si Christine ay pwede ka namang lumipat bago siya lumipat pero hindi mo ginawa." sabi ni Shane.

"Ganon ba talaga kahalata??" tanong ko at napakamot na lang sa ulo.

"Hahhaha oo." sabay-sabay nilang sabi at nagtawanan naman kami.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin agad sila sakin dahil time na.

"Sige Bailey una na kami ha...Ingat ka dun sa school na lilipatan mo." sabi ni James na naka-akbay pa kay Shane.

"Sige ingat rin kayo at stay strong sa inyo...Salamat." sabi ko.

Pagkaalis nung dalawa ay umalis na rin ang iba. Naiwan kami ni Felix dito sa room at inayos ang mga gamit namin. Kinuha ko rin yung banner at dinikit dun yung mga sticky notes na may mga goodbye letters nila. Isinara na namin ang room pagkatapos naming ayusin ang lahat.

"Uyy Felix thank you nga pala." sabi ko.

"Ano ka ba wala yun." sabi niya.

"Hahah anong wala...Sino pala yung nanggawa ng banner??" tanong ko.

"Ah sina Chrisha at Axel pati yata mga barkada nila." sagot niya.

"Ahh nga pala yung bilin ko sayo ha." sabi ko.

"Oo ako na ang bahala dun basta kausapin mo si Chelsea." sabi niya.

"Oo tatawagan na lang kita mamaya kapag nakausap ko na siya." sabi ko.

"Sige una na ako ingat sa pagmamaneho." sabi niya at sumakay na ng kotse niya at bumusina pag-alis.

Sumakay na rin ako sa kotse ko at umuwi na. Pagdating ko sa bahay dinikit ko yung banner sa pader ng kwarto ko. Bina sa ko yun isa-isa at pagkatapos kong basahin lahat bigla kong naalalang tatawagan ko nga pala si Chelsea.

*Krrriiinnnggg

*Krrriiinnnggg

*Krrriiinnnggg

Saka lang sinagot ni Chelsea kung kailan nakatatlong ring na.

"Hello bakit napatawag ka Bailey??" tanong niya.

"Dahil dun sa pag-uusapan natin." sabi ko.

"Ah oo nga pala tungkol saan ba yun??" tanong niya.

"Naisip ko kaseng lumipat na ng school kase susundan ko si Christine at gusto kong si Felix ang pumalit sakin bilang knight and shining armor ng mga students na binubully ng Hot Dragons at sa kaniya ka na tatawag sa tuwing may isang taong binubully sina Stacey." sabi ko.

"Ah okay lang naman sakin kaso hindi ko kase ka-close yun." sabi niya.

"Okay lang yan ite-text ko na lang sayo ang number niya." sabi ko.

 The Boy Changed The GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat