CHAPTER 53

62 4 0
                                    

Mikka POV

Nandito kami ngayon ni Jay sa isang bench dito sa school namin. Lunch time na kase ngayon. Tapos na kaming kumain kaya pinapagalitan ko na siya kase bigay siya ng bigay ng flowers sakin everyday.

"Jay diba sabi ko huwag mo na akong bigyan ng flowers." sabi ko sa kaniya.

"Hahaha bakit ba ayaw mong bigyan kita ng flowers?? Mikka nililigawan kita kaya natural lang na bigyan kita ng flowers. Anong klaseng manliligaw ako kung hindi ko gagawin yun??" tanong niya.

"Alam ko naman yun ang sakin lang ayaw kong dumagdag sa mga gastos mo. Siyempre ayaw ko namang ipambili mo lang ng flowers ang magiging sweldo mo. Diba 4,000 lang ang sweldo mo monthly??" sabi ko.

"Binago na nila ginawa na nilang 10,000 monthly." sabi niya.

"Ang laki naman yata ng dinagdag??" tanong ko.

"Eh kase dumami raw yung mga costumer nung namigay sila ng brochure." sagot niya.

"Ah kaya pala, pero kahit na ganon huwag mo pa rin akong bigyan ng flowers." sabi ko.

"Hahaha kung ayaw mo nun edi sagutin mo na ako." sabi niya.

"Yun ba talaga ang solusiyon dun??" tanong ko.

"Oo kase kapag sinagot mo na ako every monthsary na lang kita bibigyan ng gift." sagot niya.

"Totoo ba yang sinasabi mo??" tanong niya.

"Oo naman, mukha bang kaya kong magsinungaling sayo??" tanong niya.

"Okay edi sinasagot na kita." sabi ko.

"Mikka sure ka ba diyan??" tanong niya.

"Oo naman at saka dun din naman papunta yun." sabi ko.

"Baka naman kaya mo lang ako sinagot kase ayaw mo ng makatanggap ng flowers." nakatungong sabi niya.

"Jay tumingin ka nga sakin." sabi ko at tumingin naman siya. "Bakit ba kita sinagot noon??" tanong ko sa kaniya.

"Kase mahal mo ako at mahal rin kita." sagot niya.

"Jay hanggang ngayon naman mahal pa rin kita. Mas minahal pa nga kita eii dahil sa pagsa-sacrifice mo para sakin. Yun ang dahilan kung bakit sinasagot na kita." sabi ko.

"Halika nga rito. Bakit ba ang galing mong magpa-kilig??" tanong niya at niyakap ako.

"Hahaha hindi naman ako nagpapakilig ah." sagot ko.

"Akala mo lang hindi pero dahil sa mga ginagawa mo at sinasabi mo sakin kinikilig ako." sabi niya.

"Lalo na ako no." sabi ko.

"Bakit naman??" tanong niya at bumitaw sa pagkakayakap.

"Bilang babae madali lang kaming kiligin pero hindi namin pinapahalata yun." sagot ko.

"Paano ba pakiligin ang isang babae??" tanong niya.

"Simple lang, once na ginawan mo siya ng tula okay na yun kikiligin na kami. Kinikilig rin kami kapag hinarana kami kahit isang beses lang. Konting pick-up lines lang kinikilig rin agad kami. Simpleng regalo lang na galing sa mga mahal namin okay na. Higit sa lahat kapag sinasabihan kami ng 'i love you' ng mahal namin." sagot ko.

"Ah kaya naman pala kilig na kilig ka sakin." sabi niya.

"Ikaw ha tigil-tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo." sabi ko.

"Hahaha alam ko namang isang halik lang okay na tayo." sabi niya.

"Hahaha bakit kaya mo ba??" tanong ko.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon