CHAPTER 66

43 3 0
                                    

3rd Person POV

Habang nag-aayos si Bailey ay naalala niyang kailangan na niyang sabihin kay Jay yung mga oorderin niya. Ang mga inorder niya ay yung iba't-ibang putahe ng Restaurant dahil yung iba ay pina-deliver niya sa bahay nila para sa barkada.

Nag-ayos na si Christine at ang sinuot niya ay crop top na kulay red at black na high waste na pantalon. Si Chrisha naman ay naka-crop rop na kulay blue at sky blue na high waste na pantalon.

"Ma alis na po kami." sabi ni Christine.

"Sige ingat kayo." sabi ng Mama nila.

"Ingat rin po kayo." sabi ni Chrisha.

Pumunta na sila sa terminal ng tricycle at sumakay. Sa kabilang dako naman ay maayos na rin si Bailey at nagda-drive na papunta sa Carat Restaurant. Pagdating dun ay nagkita na sila ni Axel.

"Kuya Bailey tara na." sabi ni Axel.

"Sige mauna ka na may nakalimutan lang ako sa kotse." sabi ni Bailey.

"Sige oorder na rin ako." sabi ni Axel.

Tumango na lang si Bailey at pumunta ulit sa kotse niya. Sina Christine naman ay nakarating na rin sa Carat Restaurant.

"Ate tara na." sabi ni Chrisha.

"Wait lang may nakalimutan ako dun sa sinakyan natin." sabi ni Christine.

"Sige Ate una na lang ako tapos oorder na rin ako." sabi ni Chrisha.

"Sige." sabi ni Christine.

Nang maka-alis na si Chrisha ay pumunta na si Christine kay Bailey. Sina Axel at Chrisha naman ay parehong nagtataka kung bakit walang tao. Hahawakan na sana ni Chrisha yung hawakan nung pinto pero naunahan siya ni Axel.

"Axel!!! Anong ginagawa mo dito??" gulat tanong ni Chrisha.

"Si Kuya Bailey ang kasama ko, nagpapasama kase siyang kumain dito." sabi ni Axel at binuksan na ang pinto para makapasok sila.

"Ah si Ate naman ang kasama ko, nagpapasama rin siyang i-try yung pagkain dito." sabi ni Chrisha.

"Nasaan siya??" tanong ni Axel.

"Ah may nakalimutan daw dun sa sinakyan namin." sagot ni Chrisha.

"Hahaha pareho sila ni Kuya Bailey." sabi ni Axel at hinila yung upuan para maka-upo si Chrisha.

"Baka naman sinadya nila yun." sabi ni Chrisha at umupo na.

"Hahaha paano kung plano nila to." sabi ni Axel at umupo na rin.

"Ma'am, Sir ito na po ang pagkain niyo." sabi ni Jay na waiter ng Restaurant at nilagay yung mga pagkain sa mesa nina Axel at Chrisha.

"Kuya Jay hindi pa naman kami umo-order ah." sabi ni Chrisha.

"Hahaha dahil yata sa dalawang yun." sabi ni Jay at tinuro sina Christine at Bailey na nasa labas.

Ngumiti at nag-peace sign yung dalawa kina Axel at Chrisha. Kumaway-kaway pa sina Bailey at Christine bago umalis.

"Sabi na nga ba eh plano nila to." sabi ni Axel.

"Hahaha eh kase nga gusto nung dalawa na mag-celebrate kayo ng monthsary niyo na kayong dalawa lang ang magkasama." sabi ni Jay at umalis na.

"Yung dalawa talaga na yun kahit kailan." sabi ni Chrisha.

"Lalo na si Kuya Bailey, tanda mo ba nung kina Kuya Bailey tayo natulog?? Sa palagay ko sinadya talaga ni Kuya Bailey at Ate Chelsea na sa iisang kwarto lang tayo matulog eh." sabi ni Axel.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon