Dagli #12: Pinagsamantalahang Puso

71 11 10
                                    

Mayroong isang bagay na hindi ko ipinagpapasalamat, iyon ang minahal kita.

Dear Den,

Kung mababasa mo man 'to, pakyu! Alam mo kung bakit kita minumura ngayon, oo, dahil sinaktan mo ako. Wala kang karapatan para pagsamantalahan ang puso ko! At dahil nasasaktan ako ngayon, wala akong pakialam na inaaway kita sa ganitong paraan. Ang sakit-sakit kasi, e. Pinaasa mo ako! Ang tanga-tanga ko kasi umasa rin ako! Sabi ng nanay ko, kapag hindi sinabi ng lalaki na gusto ka niya at basta ka na lamang niligawan, ibig sabihin may iba silang motibo. Wala, e, sarado ang utak ko noon. Mas pinaniwalaan kita, sana utak na lang ang pinairal ko. Nag-expect kasi ako, akala ko gusto mo ako. Bet lang pala.

Kaya kung mababasa mo ito, I wish you a happy birthday. Magtanda ka na sana, ang tanda mo na. At sana! 'Wag ka nang manloko ng iba. Tama nang ako lang ang nasa listahan ng niloko mo. And lastly, nakakaawa ka. Wish ko sana mahalin ka ng taong mamahalin mo despite your ugly attitude. Goodbye.

Gago ka,
Hailey

Huminga ako nang malalim. Inilagay ko ang liham sa ilalim ng paso. Sa gilid ng pintuan ng bahay ni Den. Hindi ko alam kung makikita niya iyon o baka ang mga magulang niya pero wala na akong pakialam doon.

Tinitigan ko ang pasong may halaman, nakikita ko rin nang kaunti iyong inilagay ko sa ilalim. Bumuntong-hininga ako.

Paalis na sana ako ng bahay nila nang makita ko pigura ng lalaking namantala ng puso ko, si Den.  Naramdaman ko ang umuusbong na galit at hiya mula sa akin. Malakas din ang tibok ng aking puso.

"Bakit ka nandito? Hindi ba sinabi kong hiwalay na tayo?" maangas na tanong sa akin ni Den.

Matalim akong tumingin sa kanya. Ang kapal ng mukha!

Nanggigigil akong nagmartsa palapit sa kanya. Kahit na mas matangkad siya sa akin ng malaking pulgada, mayabang ko siyang hinarap.

"Happy birthday. Regalo ko nga pala." Huminga ako nang malalim. Isinarado ko ang kamao ko at buong lakas na sinuntok ang panga niya. 

Kasabay nang malakas na suntok na ibinigay ko ay ang pag-iwan at pagkalimot kung paano ko siya minahal.

Halos napapikit ako sa sakit. Hindi ko ininda iyon sa harap niya. Madilim ang paningin niya sa akin. Mayabang ko siyang inismiran at saka siya nilampasan.

I deserve better, asshole.

--
Dedicated to : Cupideeeer fraeathewitch

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Where stories live. Discover now