Maikling Kwento #1: The Answer is Him

345 50 47
                                    

"Minsan may pagkakataon na gusto mo nang tumigil sa mga hamon ng buhay. Dahil masakit, masyadong mahirap at nakakapagod. Tandaan mo may ibang tao sa paligid na mas nakakaranas nang mas matinding sakit. Pero ginagawa ang lahat para lang makabangon.

May ibang tao na sobra nang nahihirapan pero hindi tumitigil sa pagkayod para makaahon. May ibang taong pagod na pagod na katulad mo pero gumagawa pa rin nang paraan para magpahinga at lumabang muli. Hindi ibig sabihin na nahihirapan ka na, tapos na ang laban, Jane. Pahinga ka lang. Totoo 'yong habang may buhay, may pag-asa. Never give up and have faith in yourself," payo sa akin ng malapit kong kaibigan na madre.

Natamaan ako sa mahaba niyang sermon. Totoong nasasaktan, nahihirapan at napapagod na ako. Pero hindi sumagi sa akin na may mga tao rin pala sa paligid na katulad kong ganoon din ang sitwasyon.

Huminga ako nang malalim. Muli kong binalikan ang buhay ko noon, na naging resulta kung bakit na naririto ako ngayon sa simbahan. Nakaluhod, at nananalangin para sa kapatawaran.

Noo'y simpleng ulilang bata pa lamang ako hanggang sa tumanda na sa bahay ampunan dahil sa walang gustong kumupkop sa akin. Wala namang mali sa akin. Hindi naman ako pangit para kamuhian. Hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan dito sa mundong ginagalawan ko.

Nang makatakas ako sa bahay ampunan, sinikap kong magkaroon ng magandang buhay. Ngunit bigo ako. Tinapon ako ng mga tao: pinaglaruan, sinabihan ng mga bagay na masakit para sa akin.

Hanggang ngayon hindi ko makakalimutan ang mga pangyayayaring iyon sa buhay ko. Kung bakit sinisi ko ang Panginoon. Kung bakit walang tumanggap at nagmahal sa akin. Yoon lang naman ang hiling ko, ang may tumanggap sa kung ano ako at mahalin ako nang buong-buo. Pero wala.

Huli na nang malaman ko ang sagot sa lahat nang pagdurusa ko. Huli na nang malaman kong isang tao lang pala ang tatanggap sa akin. Hindi kailangan na tanggapin at mahalin ako ng lahat ng tao dito sa mundo. Sapat na ang Diyos.

Ang Diyos lamang ang sagot sa aking mga tanong. Ang Diyos lamang ang sagot para bumangon ako at lumaban muli sa buhay na meron ako. Ang Diyos lamang ang kailangan kong magmahal sa akin nang buong-buo. Siya ang dalangin ko.

Habang dumidilim ang paningin ko. Habang patuloy na kinakain ng sakit ang aking katawan. Habang patuloy na pumipikit ang aking mga mata. Unti-unti namang naaabot ko ang liwanag na inaasam.

As the darkness finally enveloped me. The light had conquered me; it had opened for me—to where God is.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon