Dagli #1: The End

736 61 92
                                    


Dito nagsimula, sa tren.

Sa mukha mong inosente at mata mong kumikinang. Sa ilong mong matangos at labi mong mapula—doon ako nabihag. Hindi lang maganda ang iyong mukha. Noong nakilala kita, ikaw na yata ang ipinangako ng Maykapal para sa akin. Minahal kita.

Ngunit may mga pagsubok na nagdaan. May nalagpasan at may nanatili ring sugat. Naging peklat sa ating matibay na relasyon. Pagkatapos noon, sinabi mong hindi mo na ako mahal.

"Ayaw ko na, Jet. 'Di na ako masaya sa 'yo," sabi mo sa tapat ng tren kung saan tayo nagkakilala.

Ang salitang iyon ay parang kutsilyong patuloy akong sinasaksak, sinasaktan, at sinusugatan. Kung tayo'y kandilang may sindi noon. Ngayon paubos na at malapit nang mawalan ng apoy. Kung tayo'y pambura na bilog at hindi pa nagagamit noon. Ngayon nadungisan na at malapit nang mapudpod.

"Paalam, Jet. Sana makahanap ka ng babaeng magmamahal nang higit pa sa naiparamdam ko sa 'yo," sunod mong tugon.

Nakayuko ako. Nangingilid ang luha at ang totoo, nasasaktan nang sobra-sobra.

"Tangina."

Kung ako'y may pag-asa pa noon, pighati na lang ang mayroon. Kung ako'y mahal mo noon, ako na lang ang nagmamahal ngayon.

Dito rin nagwakas.

----

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Where stories live. Discover now