Dagli #9: Sana

134 25 23
                                    


"Pedro, maghiwalay na tayo," mabilis na pagkakasabi ni Eulah sa akin.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Maraming tanong ang bumalot sa aking utak kung bakit nakikipaghiwalay ang girlfriend ko ngayon.

"B-Bakit Eulah? May nagawa ba akong mali?" emosyonal kong tanong sa kanya.

Maigting ang emosyong pinapakita niya sa akin. Walang halong sakit o pagsisisi. Tila gusto na lamang niyang makawala sa aming relasyon.

"Ayaw ko na," sagot ni Eulah.

Ayaw na niya? Bakit? Naibigay ko naman lahat ng gusto niyang chocolates, a. Naubos ko lahat ng allowance ko para maibili siya ng mga branded na damit.

"Bakit? Wala akong maintindihan."

Halatado ang inis niya sa akin. Nararamdaman ko iyon habang nakatitig ako sa madilim niyang mga mata. Gusto ko siyang hawakan ngunit pinagkrus niya ang kanyang mga bisig. Tinarayan niya ako.

"Ang pangit mo."

Kung pwedeng mabingi na lamang ay nagawa ko na. Parang deja vu ang nangyari. Iyan din ang rason ng ex-girlfriend ko noon na ayaw ko nang alalahanin pa ngunit ngayon napakinggan ko muli.

Bakit kailangang maging pangit ako? Nahimatay ba ako noong nagpaulan ng kaguwapuhan ang Diyos?

Hindi ko mapigilang masaktan sa rason ni Eulah. Nakayuko lamang ako. Nangingilid ang luha ngunit mas naunang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako hinintay ni Eulah para makatakbo at makasilong man lang. Sa halip ay deretso siyang tumakbo para hindi mabasa. Para na rin tuluyang makawala at mawakasan ang aming relasyon.

Sana naging guwapo na lamang ako para gusto at tanggap ako ng mga tao. Sana naging guwapo na lamang ako, para naman mahalin din ako at hindi iyong ako lang ang nagmamahal.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt