Wakas: Reunion

134 11 9
                                    


"Roxanne!!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin, si Sophie.

Pumasok ako sa loob ng private room, dito sa bar ng pinsan niya. Nagbeso kaming dalawa sa isa't isa.

Ang private room ay may mahabang kulay beige na sofa. Malamig sa loob dulot ng aircon. Mayroon ding magarang coffee table sa gitna na puno ng maraming alak at juice para sa dadalo rito sa aming reunion. Sophie was the organizer of our event, our friends will be attending today.

"Kumusta ka na girl? Oh, my gosh, I'd read the story you made for me, sobrang nakakaloka!" natatawang kwento niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at inayos ko muna ang checkered kong skirt bago umupo sa tabi niya.

"I'm fine, thank you. Buti at nagustuhan mo. Anong nangyari na sa inyo ni Yael?" usisa ko.

Tinarayan niya ako. Uminom siya sa hawak na juice. Natawa na lamang ako sa reaksyon niya. Hindi pa siguro nakaka-move on.

"Okay naman, civil. Argh, come on, let's not talk about that!

Uminom muli si Sophie ng kanyang inumin saka muling nagsalita.

"Ngayon lang ulit tayo nagkita. You're a famous writer na! Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali na sh-in-are ko ang kirot story ko sa 'yo! Nabasa ko rin 'yung ibang stories ng mga kaibigan natin, kahit 'yong ibang story ng ibang characters! Sobrang sakit!" nanggigigil niyang kwento sa akin.

I laughed at her outbursts. Natigil lamang ang pagsasalita ni Sophie, nang biglang magbukas ang pinto. Pumasok sa loob ng silid si Jet at Ray. Halata sa mukha ko ang gulat habang nakatayo sa harap namin ang dalawa. Ngayon ko na lamang sila nakita simula noong nagka-usap-usap kami patungkol sa libro ko.

"Nandito na pala kayo. Pasensya na-late ako," unang sambit ni Ray bago kami nilapitan at niyakap. Malambot ang tela ng suot na gray na long sleeves ni Ray nang magyakap kaming dalawa. Tumingin naman sa akin si Jet at tinanguan ako. He's handsome as always.

Hindi ko lang talaga lubos na maisip kung bakit siya sinaktan ng mahal niya. Kahit na isa si Jet sa pinakamabait at maalagaing tao na nakilala ko.

"Ano ka ba, Ray! Hindi pa kayo late, 'no!" excited na sabat ni Sophie na nakipagbeso rin sa kaibigan namin.

Sunod na pumasok ang magkasintahang si Felicia at Ty. Honestly, all of my friends were the characters in my story. They shared their kirot stories with me. Sila ang inspirasyon ko sa ginawa kong akda. Masaya ako dahil ang iba sa kanila ay mag-asawa na at nakahanap na ng taong para sa kanila.

Tumayo ako at bumeso sa mag-asawa. Naghiwalay rin silang dalawa nang maupo sa tabi ko si Fe. Kumuha ako ng orange juice para sa kanya. Magkasama sa kabilang parte ng mahabang sofa ang mga lalaki, nagkukuwentuhan at nag-aasaran.

"Kumusta ka na, Roxanne?" tanong sa akin ni Fe, the waves of her brown hair perfectly fit on her along with her cute halter top and knee-length mermaid skirt.

Ngumiti ako at nagsalita, "I'm good, I love your outfit."

Nagpatuloy ang pakikipag-kuwentuhan namin kasama si Sophie. Nagsimula ang kuwentuhan naming tatlo patungkol sa librong naiisip kong isulat pa, hanggang sa napunta sa pamimilit nila sa akin na magpa-rebond ng buhok—na ayon sa kanila ay babagay sa akin. Napapailing na lang ako habang nakikita silang masaya sa pagtatalo.

I'm not that special, unlike these ladies. I'm just a mother who happens to have the best of friends; their experiences in life especially in love became my inspiration to write a story that would help, and heal someone. I only want to touch one's hearts. Reach out to them—I'm proud I made it happen.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon