Maikling Kwento #11: Closure

130 13 8
                                    

Nakaupo ako sa aking kama habang nakatapat sa aking laptop. I was thinking last night about something special for my boyfriend. Heto at gagawin ko—

Pinindot ko ang compose button at saka nagtipa,

Bakas ang saya sa aking mukha nang ilapat ko sa letra at salita lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. I thanked him and told him how much I love him more than anything. It's our 5th anniversary next year. I'm excited because, despite challenges and problems, we still keep on fighting.

From glaizajimenez@mail.com

To henrysandiego@mail.com

Subject 5th Anniversary ng HenIza

Alam mo naman siguro kung anong date ngayon 'no? HAHAHAHA! Naaalala mo pa ba noong nililigawan mo pa ako? Lagi mong ipinapangako sa akin na magiging masaya ako sa piling mo kapag sinagot na kita. Hindi ko naman akalain na hindi lang akong magiging masaya, masayang-masaya! Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita, hon. Mahal na mahal kita sobra at dahil 5th anniversary natin ngayon, susupresahin kita gamit ang email na ito. Sana masupresa ka hahahaha. Alam kong makikita mo ito agad, active ang emails mo, e.

Salamat sa lahat-lahat, hon. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa pag-abot ng pangarap ko. Tingnan mo nga naman, writer na ako!! *clap *clap. Masaya rin ako dahil ako ang naging lakas mo noong namatay si tita. Ako 'yong laging nagpapasaya, at nandiyan para sa 'yo. Gusto ko na sa mga susunod na mga taon magkasama pa rin tayo at nagmamahalan. Maraming maraming salamat, hon. I love you so much!!!

Love lots,
Ang mahal mong writer.

I smiled as I read it again. Alam kong magiging masaya si Henry kapag nabasa niya ito. Hindi na ako makapaghintay. Ini-schedule ko ang date niyon— January 24, 2020. Malakas ang dagundong ng puso ko nang makitang nag-sent na ang email sa scheduled mail.

Iyon ang mga alaala na hinding-hindi ko makalilimutan. Isang taon ang lumipas, oo nanatili iyon sa scheduled mail ko pero kami, hindi.

Mapait at naging masakit para sa akin nang malaman ko ang tinatago niya. December 5, nang malaman kong nakabuntis siya. Umiyak ako sa kanya. Hindi ako nagalit dahil ko kayang magalit sa kanya noon pa man. Patuloy na binibiyak at pilit na dinudurog ng sakit ang puso ko.

Alas-dose ng hapon, January 24, 2020.

Sana ay 5th anniversary na namin ngayon, hindi ko binura ang email para sa kanya. Alam kong mababasa niya iyon. Siguro bilang closure na rin naming dalawa.

Mapait ang pakiramdam ko nang makitang wala na sa scheduled mail ang email ko para kay Henry. Hudyat na nag-sent na iyon papunta sa inbox niya.

Ala-una ng hapon nang tumunog ang aking cellphone. May tumatawag, si Henry.

Malakas ang tibok ng puso ko. Ang huli naming pag-uusap ay noong nalaman ko ang kasalanan niya, iyon din ang hiwalay naming dalawa. Alam ko kung bakit siya tumatawag, na-receive niya ang email na dapat ay magpapasaya sa aming dalawa. Pero hindi, ibinabalik lamang nito ang sakit na patuloy kong kinakalimutan hanggang ngayon.

Dinampot ko ang aking cellphone. Tinitigan ng ilang segundo hanggang sa nagpasya na sagutin iyon. Huminga ako nang malalim at saka in-accept ang tawag.

"Glaiza," una niyang tugon. 

Aaminin kong kumirot ang puso ko nang tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-Ah, na-receive ko 'yong email mo," anunsyo niya. 

Tumango ako kahit na hindi niya iyon makikita.

"Haha, ang awkward," dugtong niya.

"Gusto ko lang sabihin na sorry, sana patawarin mo ako sa ginawa ko sa 'yo. You don't deserve to be hurt. You're precious and I'm an asshole for taking you for granted."

Nangilid ang luha ko. Kahit na hindi siya humingi ng tawad ay matagal ko na siyang napatawad, ganoon ang pagmamahal, 'di ba?

"I hope you pursue your dreams and I hope you receive more blessings. I hope one day, we'll be able to talk as friends. I want to be friends with you. I hope you find someone who will not take you for granted. Sana makahanap ka ng lalaking mamahalin ka nang sobra-sobra. Alam kong mahirap kalimutan lahat ng sakit na naiparamdam ko sa 'yo. I will forever pay for it. Goodbye, Glaiza."

Tumulo ang luha sa aking mga mata, sumisinghot na ako dala nang malakas na pag-iyak. Tumahimik ang nasa kabilang linya. Nanatili akong umiiyak. Ramdam ko ang kirot ng puso ko. Gusto ko nang matigil ito. Gusto ko nang makalimutan lahat-lahat.

"Paalam, Henry."

---

Dedicated to: elcrivain, fraeathewitchmewmiuna

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن