Maikling Kwento #5: Nobody Loves a Loser

102 19 18
                                    

Tumulo ang aking luha. Nakahiga ako at hindi na naman makatulog. The psychiatrist told me I'm depressed. It's treatable, but I don't want to be treated.

Wala rin namang mangyayari pagkatapos. Talunan, lalaitin, at huhusgahan pa rin ako.

"Hija, may problema ka ba? Kailangan mo bang mamahinga muna?" tanong ng isang ale sa akin.

Nakatayo ako sa tapat ng arawan. Buti nga may nagmagandang loob pa sa akin.

Sobrang naiinitan na ako. Hindi pa ako nakakakain dahil wala akong pambili ng pagkain. Nahihilo na ako. Kanina pa ako nakatayo rito. Hawak ang isang malaking placard—'Isulong ang Federalismo sa ating bansa!'

Nararamdamam ko na ang pagsuko ng talukap ng aking mata. Sobrang nahihilo na ako pero nagpipilit pa rin akong kayanin ang ginagawa.

Makailang minuto nawawala na ako sa wisyo. Nilalamon na ako ng gutom at hilo. Ang huli ko na lang natandaan ay may sumalo sa akin, pagkatapos noon, wala na.

"Good afternoon, Mr. Velgare. May I know if you're related to this patient?"

"No, Doc. I found her standing in the middle of the street, I saved her from passing out. Ano pong lagay na niya ngayon? Normal po bang hindi siya nakakapagsalita at parang wala sa sarili?"

"Yes. Unfortunately, she has this type of dissociative disorder. An illness where there is a loss of sense and awareness that you are yourself. Patients experience symptoms including memory loss. It's believed that extreme stress or mental trauma can cause this."

"A-Ayokong magpagamot," garalgal ang boses ko.

Nakatingin lamang ako sa kawalan. Pakinig ko ang dalawang nag-uusap kanina pa. Wala akong natatandaang kailangan kong magpagamot. Ang totoo wala talaga akong natatandaan.

"I'm sorry, Miss. But you need to be treated. You need to undergo therapies and medications. Mr. Velgare, I know this is a big responsibility, pero kung maaari ay sana ay kupkupin mo muna siya."

"Ang sabi ko, ayaw kong magpagamot. Walang kayang gumamot sa akin! Ayaw kong magpatulong! Sino ba kayo? Nasaan ako? Wala akong sakit!"

Ngayon ay nakatingin na ako sa kanilang dalawa. Ang doktor at ang lalaking maigting ang panga at malaki ang pangangatawan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nahiya ako sa pagtitig sa kanya.

Sino ba ito? Bakit ang guwapo?

"Kung sino ka man, ayaw kong magpatulong sa kahit na kanino. Hindi ko kailangan ng awa. Makakaalis na kayo," matapang kong sambit.

Matalim ang tingin ko sa lalaki, na ayon sa pagkakarinig ko ay tumulong sa akin.

"Salamat pero hindi mo na ako kailangang tulungan. Kaya ko na ang sarili ko," tugon ko.

Huminga nang malalim ang lalaki. Inalis ko ang paningin sa kanya.

I have this feeling that I'm alone. No one to lean on. No one loves me. Maybe it's best to stay with it like that. Nobody loves a loser, anyway.
---

Dedicated to: Eyesmile_Girl18

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon