The Secret Agent: 6

5.8K 220 26
                                    

N/N: 


Belated Happy Pride!  Sana after nating i-celebrate ang ating mga sarili at ang mga ipinaglalaban natin, matutunan din natin na irespeto ang ating kapwa LGBTQ .  Itapon na ang mga panga-outcast sa mga effem, trans, barbiedoll, jelly ace.  Masyado na siyang annoying actually.. minsan iniisip ko na baka hindi ako nagkakajowa dahil sa mga ganyang dahilan, LOL.  Musta naman ang Pride Parade experience niyo?  Masaya naman ba?  Marami bang tao?  Share niyo sa comments! 


Dedicated ang kwento na ito kay JenAKOsau thank you so much sa pag-marathon ng 4 na kwento ng Dela Fuente Brothers. <3  Thank you din sa mga readers na nagbabasa pa rin nitong kwento na 'to.  :)


The Secret Agent: 6


"So it goes..."


MAGNUS:


Hanggang ngayon natatandaan ko pa rin ang sinabi sa akin ni Dad na, "Someday, you'll bring honor to our family by being part of DOS". Ito na lang ang pinipilit kong sabihin sa sarili ko habang nakikisilong sa isang bahay dahil sa sobrang lakas na ulan.


Hindi ko inaakala na ganun lang kadali ang makatakas sa ospital kung saan ako naka-confine ng matagal. Sa totoo ang sumasakit pa rin ang sugat ng suero pero alam ko na kailangan kong tiisin dahil alam ko na habang nandoon ako sa ospital ay hawak ako sa leeg ni Ahron. Sa tagal kong nakikinig sa usapan ng mga nagbabantay sa akin; nabalitaan ko na si Ahron na ang head agent ng DOS. Bullshit! I saved his ass noong engkwentro namin nila Lorenz at Gerardo tapos he took the credit for saving Nikko?


Malamig. Yakap-yakap ko ang sarili ko matapos sumilong sa isang bahay na nilalakaran ko. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ba akong naglalakad. Basta nakita ko na lang na malayo na ako sa ospital kung saan ako naka-confine. Masakit pa rin ang mga ugat ko sa kamay dahil sa suero na matagal na nakakabit sa akin.


"Hijo, okay ka lang diyan?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang matandang babae na nakadungaw sa pintuan ng bahay na sinisilungan ko.


Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong isagot. Lumabas ang matandang babae dala ang isang itim na payon. Tumabi ito sa akin at tinignan ako nito.


"Jusko po, nanginginig ka na sa lamig! Halika't pumasok ka sa loob" Pagyaya nito sa akin na agad ko na ring tinalima at lumakad papunta sa pintuan ng bahay nito.


Pagpasok ay agad na sumalubong ang dalawang pusa sa matandang babae. Napangiti ako, it's been a while simula ng makakita ako ng ibang tao bukod sa puting kisame. "Maupo ka muna diyan, hijo. Kukuha lang ako ng tuwalya para makapagpatuyo ka." Ani niya at tumingin sa akin, "Nakalimutan ko nga palang magpakilala. Ako nga pala si Manang Edith."


Ngumiti ako dito, "Salamat po, Manang Edith". Habang nasa kwarto si Manang Edith, naisip ko bigla si Nikko. How the fuck na may kamukha siyang pumasok sa kwarto ko? Who's that guy? I have been an agent for years and it will be a stupid kung hindi ako marunong mag-analyze ng situation.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now