The Secret Agent: 7

16.4K 564 217
                                    

N/N: 


Guys gusto kong itanong kung okay lang ba ang transition ng kwento?  Medyo matagal kasi ang pagitan ng updates ko kaya baka may nakakaligtaan akong mga scenes.  So kung meron man, pakisabi sa akin sa comment box.   And I'm also trying na i-align pa rin ang timeline sa kwento ni Howard at keri lang naman pala kahit papano.  Bukod diyan, salamat sa pagbabasa sa mga nakaraang chapter at patuloy na paghihintay sa update ko.  Huehue.  


I want to dedicate this chapter kay huggabear na siyang nagbibigay kulay sa comment box.  HAHAHAHA, taga-PUP ka talaga?   #Stalker.   Btw, alam niyo ba na 10% ng readers ko ay wala sa Pilipinas?  So, hi international readers hahahaha!  


The Secret Agent: 7


"It's hard to understand but I want you to love me."


NIKKO:


Parang ilang kabayo ang sumipa sa katawan ko dahil sa kakaibang sensasyon na dala ng halik ng isang lalaki na pagkakaalam ko ay napatumba ng dahil lang sa isang malakas na sipa. Pero wala akong magawa sa ginagawa niya dahil dama ko ang diin ng pagsubsob niya sa mukha ko at ng magkaroon ako ng tsansa ay agad kong tinulak siya papalayo.


Nakita ko ang mga mata nito na parang humihingi pa ng kasunod pero dahil sa gulat ay agad akong napalayo rito at sumigaw, "Piste kang yawa'a ka, borikat!"


Natawa lang ito sa sinabi ko at medyo nakabwelo na siya ng konti at umayos ang upo, "Halik lang 'yon, Nikko. 'Wag kang OA dahil simula pa lang 'to." Mapang-akit na sabi niya sa'kin at tsaka tumayo na parang walang nangyari at umakyat papunta sa kwarto niya.


Napahinga ako ng malalim sa mga nangyari, hindi naman iyon ang first kiss ko pero parang ganoon ang nangyari. Gusto niyo bang malaman kung sino ang first kiss ko? Ayon ay ang bestfriend kong si Rain. Napangiti ako sa naisip ko, dare lang naman 'yon dahil inaasar kaming dalawa ng mga kaklase namin noong high school. At napag-usapan namin na wala ng makakaalam ng dare na 'yon dahil naging awkward kaming dalawa.


Napahawak ako sa labi ko at parang naramdaman ko pa ang labi muli ni Ahron na dumampi rito. Pero bago ako maglakad ay naisip ko ang eksena kanina ni Magnus. Ibig sabihin dalawa sila ni Ahron na nasa iisang misyon?


Naglakad ako papunta sa kwarto ko at inisip ko ang totoong pangalan ni boss. Hanggang sa pag-upo ko ng kama ay iniisip ko ang pangalan 'yon.


"Gerald?"


Umiling ako, "Gerard?"


Inisip kong mabuti at alam kong malapit na ako, "Gerardo!" Tama! Gerardo Tragico ang tunay niyang pangalan. Mabuti na lang at sinabi niya sa'kin 'yon noong nagpakilala ako sa kanya.


**


Maaga akong nagising at akala tulog pa ang mga Dela Fuente pero nakita kong gising na si Ahron at nakatayo sa harap ng pintuan ko at walang dami. Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to?

The Secret Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon