The Secret Agent: 1

9.6K 315 105
                                    

N/N: 


After so many months..  sa wakas at ito na!  HAHAHAHA.  Hindi na ako magso-sorry dahil sinadya ko na ilabas ang prologue ng Season 2 para may abangan kayo kahit papano.   Isang taon na simula nung ginawa ko ang kwentong ito pero ito pa rin ako at hindi pa rin tapos.  Kailangan ko na 'tong matapos huhu gusto ko na magsimula ng bagong kwento.  


Dedicated ang chapter na ito kay REY_tardedDreamer as you wish po!  AHAHAHA sa'yo ang unang chapter ng Season 2.   Please lang, 'wag na kayo mag-comment kung ang sasabihin niyo lang naman ay "sobrang tagal ng UD mo otor.."  ang kailangan ko is yung insights niyo sa kwento, masaya ba kayo dahil wala na sa coma si Magnus or what?   Alam kong matagal ang update ko kaya 'wag na nating ipamukha hahahaha.  ♡ 


The Secret Agent: 1


"The last are the true believers..."


RICO:


Kung anuman ang nangyari kay Nikko sa Maynila ay kagagawan niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ng kakambal ko kung bakit sa isang sindikato siya sumali at hindi naghanap ng matinong trabaho.


Kasalukuyan akong nakakulong sa isang kwartong maliit at mabaho. Medyo may katagalan na akong nandito pero hindi ko makakalimutan kung paano kinuha ng limang lalaki ang mga magulang ko habang pinapatakas ko ang mag-ina ko.


Wala akong magawa habang kinukuha sila at akala ko tapos na pero kinabukasan noong sinubukan kong hanapin kung saan sila dinala ay hinarang naman ako ng isang van kung saan marahas akong sinakay.


Noong dumating ako dito, kinuha din nila ang cellphone ko at dali-daling nagtype ang lalaki na kumuha.


Napadilat ako ng mga mata ng marinig ko ang kaluskos ng paa sa labas. Sa totoo lang hindi ko na alam kung na ang itsura ko pero alam ko na mahaba na ang balbas ko sa tagal na hindi ako nakakapag-ahit pero kahit papano wala namang nagbago sa banat kong katawan dahil sa hindi malamang dahilan ay may pagkain namang binibigay.


"Francisco.. Medyo matagal na kitang hindi nakita." Ani noong pumasok na kung titignan ay nasa mga edad kwarenta.


"Hindi kita kilala." Sagot ko rito at natawa siya.


"Alam ko pero alam ko na ikaw ang kakambal ni Nikko Francisco." Balik naman nito at napakunot ang noo ko.


Hindi na lang ako sumagot at umiwas ng tingin sa kanya. Nasaan na ang hayop na kakambal ko? "Gusto mo bang bumalik ang pamilya mo sa'yo huh?" Sigaw nito sabay hawak sa magkabila kong pisngi.


Nagpumiglas ako at tumingin sa kanya ng diretso, "Ano ba ang kailangan kong gawin?" pagpapakumbaba ko dahil alam kong wala naman akong laban dahil nasa teritoryo nila ako.


"Sumali ka kung saan nagtatrabaho ang syota ng kakambal mo.. sa DOS." Ani niya sabay labas ng pinto.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now