The Secret Agent: 8

16.6K 506 81
                                    

N/N


Maraming maraming salamat sa pag-aabang ng update ko.  Almost 10 days rin akong walang UD at parang sobrang bilis ng araw at ganoon na kaagad katagal.  Busy lang talaga ako sa kakahanap ng work kaya nawawalan ako ng gana magsulat, may mga times naman na talagang antok na antok ako at wala ako sa mood, at ang pangunahing rason ay hindi ako makapagsulat ng umaga o tanghali; walang pumapasok sa utak ko!   HAHAHAHA.  


Dedicated ang chapter na ito kay jayanortega, thanks sa pagbabasa!   I hope na kahit papano eh hindi kayo naguguluhan sa chapters na medyo matagal ang update.   By the way, ako lang ba ang nakakakita ng resemblance between Howard (Chris Banchero) at Ahron (John Spainhour)?


The Secret Agent: 8


"Love is a ruthless game unless you play it good and right."


THE TRAITOR:


Halos gabi na at magkakasama kaming tatlo ng mga matalik kong kaibigan simula noong mga bata pa kami. Sa totoo lang ngayon lang ako nagkaroon ng problema sa pagprotekta ng negosyong sabay-sabay naming binuo.


Nakaupo ako sa sofa na kaharap ang dalawa kong kasama sa negosyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kulay ng upholstery na kulay cream. Sa kaharap ko naman ay nakita ko ang mukha ni Manuel Del Fiero na kunsumido na halos parehas din ng expression ni Gerardo.


When you're in this kind of business.. kahit isang tao maaring malaki ang maiambag para matumbok ka.


"I don't even know what to think! Dahil sa iisang tao lang sari-saring kapalpakan na ang inaabot natin! Kapag nahuli tayo ni Dela Fuente at nalaman ang lihim mo.." Tinuro ako ni Gerardo Tragico.


"Let's hope na hindi umabot sa ganoon. Dela Fuente is a very good agent at alam kong nagkamali akong i-assign siya para mahuli si Nikko Francisco." Pagpapakumbaba ko pero hindi kumbinsido dito si Manuel Del Fiero.


"C'mon Lorenz! Pera ng negosyo natin ang pinambuo natin ng DOS at impossibleng hindi mo alam na makukumbinsi ni Dela Fuente na umayon sa tama si Francisco." Pagdidiin nito sa'kin at wala na akong nagawa.


"Fine! I thought na may gagawin kayo, yung utos mo sa dalawang skwater na 'yon, Gerardo? Hindi nagtagumpay 'di ba? Kung tahimik na namatay si Francisco dahil sa utos mo medyo tatahimik na si Dela Fuente." Panunumbat ko kay Gerardo at tinignan lang niya ako mula sa upuang kaharap ko.


"At ikaw ano ng ginagawa ng anak mong si Magnus? Wala! Have you ever wondered why? Kasi may sakit sa utak ang anak mo, Manuel."


Tumayo ang gagong si Manuel at sumigaw, "Putang ina mo! 'Wag mong idadamay si Magnus sa kapulpulan mo!" Kwinelyo ako nito pero marahas na inalis ito ni Gerardo.


"Tangina niyong dalawang pulpol! Wala tayong mapapala kung magsusumbatan yang mga putanginang pride niyo. Sabi mo sa'kin kanina Manuel na mayroon ng nagagawa si Magnus?" Banat ni Gerardo sabay tulak sa'kin paupo sa sofa.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now