The Secret Agent: 4

18.1K 649 181
                                    

N/N: 


Hello guys!  Sorry sa medyo matagal na update, again busy ako nitong mga nakaraang araw sa paga-apply for work.  Well sana matapos ko muna 'tong kwento ni Ahron bago tayo mag-ala Rihanna sa opisina!  HAHAHAHA.  Minsan kaya natatamad rin akong mag-update kasi ang konti ng nagco-comment, isa kasi yun sa nagfu-fuel sa'kin mag-update kaya minsan nakakatamad rin.  


Shoutout muna kay jermylloydmanao na finollow ako sa FB at nahiya pang i-add ako HAHAHAHA!  Dedicated ang chapter na ito kay REY_tardedDreamer in fairness parang first time kong nag-dedic sa'yo!  HAHAHHA thanks sa pagbabasa beks!   Agent Magnus Del Fiero on multimedia!  



The Secret Agent: 4


"Inch by inch we're moving closer.."


AHRON:


Nakita ko ang actual na lugar kanina kung saan nakatira si Nikko Francisco dahil 'yon sa secretary ni Kuya Howard na si Rain. Kahit na ang sagot sa'kin ng kaibigan nilang baklang mamasang na lumipat na daw ito ng bahay. Tss! Pero ramdam ko na nakatulong naman ang pagbigay ko ng donut sa kanya noong nakaraang araw.


Buong araw akong nagmanman sa lugar, nakatingin lang sa kung saan pupunta si Nikko Francisco. Nakasunod ang motor ko na kasalukuyang nasa ilalim ng tulay. Saan pupunta 'tong lalaking 'to? Nakaupo lang ako sa motorsiklo ng bigla akong makarinig na ingay dahil sa sigawan.


"Ngayon tayo magharap! Puta kayo ah!" Rinig kong pagsigaw ni Nikko at doon na ako naglakad papunta sa kinaroroonan nito. Nakita kong susugrin na siya noong dalawang kasama niya sa presinto noon.


Oh fuck!


Kinuha ko ang baril na nasa sinturon ko. Isa 'to sa pinakapaborito kong baril dahil ito yung unang baril na natanggap ko noong naging Agent ako at mula sa girlfriend kong si Diana na namatay sa malubhang sakit almose seven years ago.


Itinutok ko ang baril sa malayo at tsaka ipinaputok. Nag-echo ang napakalakas na putok sa ilalim ng naturang tulay at napatigil silang lahat. Tumakbo ako at dinukot ko rin sa sinturon ko ang posas. Bakit ba laging isang pares lang ang dala ko palagi? Fuck!


Nang makalapit ako sa dalawang ugok na hindi makagalaw dahil sa nakatutok na baril sa ulo nila ay agad kong ginamit ang kaliwang kamay ko para isuot ang posas. C'mon Ahron! Sa susunod magdala ka ng dalawang pares.


Nailock ko na ang posas ng tumingin ako kay Nikko. Ang kanang kamay ko ay nakatutok pa rin sa dalawa na nasa harap niya.


"Nasaktan ka ba?" Sinubukan kong 'wag lagyan ng malisya ang sinabi ko pero mukhang ewan akong nag-abang ng sagot niya pero iling lang ang ibinigay nito.


**


Maingay ang loob ng presintong malapit sa ialim na tulay dahil sa sigaw ng isang babaeng naka-duster laban sa kaharap nitong tambay na lasing. Normal lang naman ang ganyang sitwasyon lalo na kapag gago talaga ang nakaaway mo.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now