The Secret Agent: 10

14.6K 501 98
                                    

N/N: 


Alam ko naman na medyo nagsasawa na kayo sa kakahintay and sorry po!  I hope na hindi mawala ang interes niyo sa pagbabasa ng kwentong ito dahil sa tagal ng update ko and sana committed tayo hanggang matapos natin.  First time lang sa buong history ng pagsusulat ko ang matagal na update ko sa on going kong kwento and it sucks.  Kaya sana nandyan pa rin kayo dahil isa kayo sa mga inspirasyon ko why I'm writing stories.  Kapag kasi naiisip ko na wala namang nagbabasa, why update pa 'di ba?   Ayun lang hahahaha, enjoy!


Dedicated ang chapter na ito kay *drum rolls*  themockingjae na nag-marathon ng dela fuente brothers series at naabutan niya na ang last update ko :'(   So mention ko na rin sina dizzyrainbow1, at si chriscalm na nagrerequest ng kakaibang putukan HAHAHAHA!  Sorry pero wala pa tayo sa dakong iyon.  




The Secret Agent: 10


"I will try to fix you.."


NIKKO:


Parang napakaraming boltahe ng hapdi ang naramdaman ko ng tumagos sa binti ko ang balang galing sa baril na hawak ni boss. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pagsigaw ang naging daing ko.


"I thought you're under protection by one of DOS' outstanding agent? Nasaan na si Ahron Dela Fuente?" Ani Boss habang nakatayo ito sa harap ko at isinalansan ang baril sa bulsa sa sinturon nito.


Nahihilo na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ako pwede mawalan ng malay. Dapat dumating ka na Ahron? Bakit sinabi mo sa'kin na 'wag akong magtitiwala ng sobra kay Magnus kung wala akong alam?


"Nothing to say, Nikko?" Dagdag na tanong ni Gerardo Tragico bago ito lumapit sa akin at tsaka ako pinaulanan ng dura.


"You piece of shit! Dahil sa'yo malaki-laking pera ang nawawala sa negosyo ko! Alam mo ang kapalit ng lahat ng 'to, Nikko!" Dudukutin niya na sana ang baril pero biglang may pumasok sa pintuan.


Pigura ni Magnus ang pumasok at nakita ko ang bondage sa utak nito. Hindi ko na alam kung paano o ano ang sasabihin ko dahil sa kakaibang hilo na nararamdaman ko. Hindi ko pwedeng bumigay ng wala pa si Ahron.


"Ako na munang bahala sa kanya, Ninong. Lumabas po muna kayo doon at kausapin ang mga tao natin." Sabi nito at napasimangot ang mukha ni Boss. "Bakit ako makikipagkwentuhan sa mga pulpol na 'yon? Tatapusin ko muna 'tong si Francisco." Sagot nito at umiling si Magnus.


"You need to motivate them, Ninong. Kailangan niyong magplano bago rumespunde ang DOS." Sagot nito at napaismid si Gerardo.


Napapapikit na ang mata ko at nawawalan na ako ng pandinig pero bigla akong may naamoy na matindi at napadilat ulit ako. Wala na si Gerardo pagkamulat ko pero ang matindong amoy ng nasa boteng hawak ni Magnus ang bumungad sa harap ko.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now