Tumingin si Yael sa kawalan bago muling tumingin sa kanya. Mababakas ang pait sa mga mata nito. "Ganoon na lang 'yon? Lahat na lang ng sasabihin ko babarahin mo?"

"I call the shots here, Yael. Nahuli kita. Kaya sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa paraang gusto ko."

"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa 'kin na basta-basta mo na lang ako hinuhusgahan, Jac? Na para bang napakasama kong tao."

"Alam ko kung ano ang nakita ko."

"Na paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko naman gustong mangyari. Alam mo kung bakit? Dahil wala na akong ibang gustong halikan kundi ikaw lang. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pilit mong hindi iniintindi. Alin ba ang mahirap intindihin, Jac?"

"Walang ganitong issue kung hindi dahil sa pinaggagagawa mo."

"Which is not really an issue," wika ni Yael. "Dahil wala naman talaga akong ginagawang masama. Pilit mo lang pinapalaki."

"And why would I do that?"

"You tell me," anito.

Tinitigan niya si Yael. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Sabihin mo sa akin, Jac. Bakit bigla kang darating isang araw bago ang sinabi mong araw ng uwi mo? Nang hindi mo sinasabi sa akin? Umaasa ka ba na may madadatnan ka ngang kagaya ng nakita mo kagabi? O kaya ay wala ako sa sinasabi kong lugar kung nasaan ako?"

Hindi makapaniwala si Jackie sa naririnig. "I was just trying to surprise you, you jerk!"

He snorted. "Ang sabihin mo, hinuhuli mo ako. Dahil ang totoo, wala ka ni katiting na tiwala sa akin."

"How dare you turn the tables on me!"

"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin, Jac?" Tumataas na ang boses na wika ni Yael. "Bakit hindi mo sabihin sa akin na pinapalaki mo lang ang issue para mag-away tayo. Para magkaroon ka na ng dahilan na hiwalayan ako. Dahil ang totoo, wala ka nang balak na balikan ako. Dahil sa tingin mo, hindi ako ang katuparan ng mga pangarap mo. Na higit sa akin ang hinahanap mo."

"Alam mong hindi totoo 'yan," sigaw din niya.

"Really Jac, hindi ba 'yon totoo? Hindi ba napakasaya mo na aalis ka? Na kahit paulit-ulit kong sinasabi na maghihintay ako wala man lang akong narinig na ipinangako mong babalikan mo ako?"

"At lumalabas ngayon na may problema ka talaga sa pag-alis ko?"

"Wala akong problema sa kahit na anong bagay. Nakahanda akong magsakripisyo dahil alam kong 'yon ang makakapagpasaya sa 'yo."

"Bakit parang nahihirapan na akong paniwalaan 'yan ngayon? Hindi kaya maluwag talaga sa loob mo ang pag-alis ko kasi makakabalik ka na sa dati mong ginagawa? Na sinimulan mo nang gawin bago pa ako makaalis? 'Yan ba ang balak mo? Ang balikan si Leslie pag-alis ko? Dahil may mga hang-ups ka sa kanya?"

"No!" mabilis na tanggi nito.

"'Kaya ba hindi mo sinabi sa akin na nandito siya?"

Napamaang ito sa kanya. "At bakit mo biglang isinisingit 'yan?"

"Kasi kung hindi siya big deal hindi mo sana itinago sa akin."

"I can't believe this!" ani Yael. "Napakahirap bang intindihin na ayoko lang mag-isip ka ng kung anu-ano kaya hindi ko sinabi?"

"What I don't know won't hurt me? Ganoon ba, Yael?" sarkastikong wika niya. "At kaya ka lang nag-sorry dahil nalaman ko nang 'di sinasadya?"

"You are twisting the facts."

"Alam mong may point ako, Yael," gigil nang wika ni Jackie. "Kagaya din ba 'yan ng nadatnan ko kagabi? Kung hindi ko ba kayo nakita, are we going to have this conversation?"

Napamaang si Yael sa kanya.

"Hindi, 'di ba, Yael? You will just go on pretending nothing happened."

Nagtagis ang mga bagang ni Yael. "Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang ganyang klase ng pagrarason, Jac. Not from you."

"At 'yang mga pinagsasasabi mo, sa tingin mo may sense?"

"You are impossible!"

"And you are a womanizing..." hindi magawang ituloy ni Jackie ang dapat ay sasabihin niya. Humugot siya ng malalim na hininga

Nagtagis ang mga bagang ni Yael.

"I don't deserve this Yael," aniya.

"And I don't deserve this either," pakli ni Yael. "You can't even trust me."

"Trust?" Tumawa si Jackie. Pagak. "You're funny. Alam mong ikaw ang kahuli-hulihang tao na puwedeng gumamit ng salitang 'yan."

Humugot ng malalim na hininga si Yael. Umiling. "Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Ni minsan naman hindi ako nanalo sa mga pagtatalo natin."

"Dahil ako ang tama."

Hinilot ni Yael ang batok nito. "Pagod na ako Jac," anito. "Pagod na akong ipaliwanag ang isang bagay na hindi naman dapat ipaliwanag. Paniwalaan mo na lang ang gusto mong paniwalaan. Gawin mo na rin ang gusto mong gawin."

Umawang ang mga bibig ni Jackie para sagutin ang sinabi ni Yael pero bago pa man niya magawa iyon ay tumalikod na si Yael.

Lalong nanggigil si Jackie. Hindi pa niya nasasabi dito ang lahat ng gusto niyang sabihin. "Huwag mo akong tinatalikuran 'pag kinakausap kita."

Muling humarap sa kanya si Yael. Madilim na madilim ang mukha nito. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Akala ko ba walang kuwenta ang mga sinasabi ko?"

Hindi na siya nitobinigyan ng pagkakataon na sumagot. Wala nang lingun-likod na tinungo nito angpintuan.

***please hit the FOLLOW button***

PARA SA COPY: 

shopee.ph/Because-Almost-Is-Never-Enough-by-Celine-Isabella/-i.44262184.5616317877

Because Almost is Never EnoughOnde histórias criam vida. Descubra agora