Chapter 52

1K 29 0
                                    

* Jisoo's PoV

Tumakas ako sa dorm namin para pumunta sa mental hospital kung nasaan si Hiro. Nagsuot ako ng jacket na may hood at nag mask din para walang makakilala sa akin. Gusto ko lang naman siyang makausap. Gusto ko ding magsorry sa kaniya kung totoong ako nga ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kaniya yun.

"Good morning Miss. Pwede ko bang malaman kung nasaan si Hiro Lee?" tanong ko sa receptionist ng makarating sa mental hospital.

"Nasa garden po siya ngayon kasama ang bantay niya."

"Pwede ko ba siyang puntahan?"

"Sige po."

Naglakad ako papunta sa garden. Marami ding mga pasyente ang nandito. Lahat ay may kani kaniyang bantay. Bumagal ang aking paghakbang ng makita si Hiro na mag isa habang kinakausap ang bulaklak sa kaniyang harapan. Binaba ko ang hood ng aking jacket at tinanggal din ang face mask na suot ko.

"Kamukha mo yung babaeng mahal ko. Pareho kayong maganda. Malapit na kaming magkita ni Jisoo. Alam mo bang mahal na mahal ko siya?" napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig. "Bata pa lang kami mahal na mahal ko na siya. Alam kong siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay." ngumiti siya ng malaki at biglang pinitas ang bulaklak. "Pero wag kang maingay ha? Hindi niya alam na aagawin ko siya doon sa boyfriend niya." nagpalinga linga siya sa paligid bago tuluyang huminto sa akin ang kaniyang paningin. "Jisoo." lalong lumawak ang kaniyang ngiti at biglang tumakbo palapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sabi na nga ba at pupuntahan mo ako."

"Hiro!" pilit siyang inilayo sa akin ng lalaking mukhang nagbabantay sa kaniya. "Hiro! Halika na!"

"Teka! Ito si Jisoo oh! Yung babaeng sinasabi ko sa inyo. Sabi na nga ba at pupuntahan niya ako eh."

"Sorry Miss pero kailangan ko na siyang ibalik sa kwarto niya."

Sumunod ako hanggang sa makarating sa kwarto ni Hiro.

"Sigurado po bang ayos lang kayo dito?" paninigurado ng nurse. Titig na titig siya sa akin at halos hindi maialis ang tingin sa akin.

"Kakausapin ko lang siya sandali." ngumiti ako sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng silid pero nakita kong nakatayo lang siya doon sa may pintuan na bahagyang nakabukas.

Nilapitan ko si Hiro na nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"Isasama mo na ba ako sa pupuntahan mo? Miss na miss na kita, Jisoo."

"I'm sorry, Hiro. Sorry kung kailangang mangyari ito sayo."

"Ha? Bakit? Wag kang magsorry mahal ko." malungkot ko siyang nginitian.

"Magpagaling ka, Hiro."

"Wala akong sakit, Jisoo. Yan ba ang sinabi nila sayo? Wag kang maniwala sa kanila." umiiling na sabi niya.

"Alam mo namang hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo sa akin di ba? I'm inlove with someone else, Hiro." malumanay kong sabi.

"No! Hindi siya! Ako! Nagkalayo lang tayo pero ako ang mahal mo!" pagpupumilit niya.

"I love you as a friend, Hiro. Hanggang doon lang. Please, wag mo ng saktan pa ang sarili mo. Magpagaling ka. Kapag nakalabas ka na dito, find someone else. Yung magmamahal sayo." hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian siya. "Mananatili kang kaibigan para sa akin."

Agad na akong lumabas dahil hindi ko na kayang makita siya na nagkakaganon. Sobrang sakit para sa akin dahil nangyari sa kaniya ito. Sinuot ko ulit ang hood ng jacket ko pati na din ang aking face mask.

Nang makalabas ako sa hospital ay nagulat ako ng makita kung sino ang naghihintay sa akin.

"Taehyung." gulat na banggit ko sa kaniyang pangalan. "Galit ka ba?" tanong ko pagkalipas ng mahabang oras na hindi niya ako kinakausap.

Nang makasakay ako sa kaniyang sasakyan ay nanatili lang siyang tahimik at hindi ako pinapansin. Bumuntong hininga siya bago ako saglit na sinulyapan bago niya ibinalik ang kaniyang tingin sa daan.

"I'm just worried. Sana sinabihan mo ako na pupunta ka dito. I can come with you."

"I want to do it alone."

"But it's not safe! Baliw ang lalaking iyon! Paano kung may gawin siyang masama sayo?" napayuko ako ng magtaas siya ng boses. "I'm sorry." agad niyang sabi at hinawakan ang aking kamay. "Nag aalala lang ako. I'm sorry for shouting."

"Sorry din. Siguro nga nagpadalos dalos ako sa pagpunta dito."

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako.

"Just always remember that I am always here. You can call me anytime. Kung kailangan mo ako pupuntahan kita agad. Hindi mo kailangang mag isa sa mga ganitong pagkakataon. You have me."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now