Chapter 24

1.8K 84 10
                                    

* Jisoo's PoV

Dahil wala naman kaming ibang appointment para sa araw na ito ay napagdesisyunan kong magstay na lang muna dito sa loob ng kwarto ko. Ang totoo, tinatamad akong lumabas. Para bang sobrang tamlay ko ngayong araw at hindi ko alam kung bakit.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa tabi ko lang din. After naming mag usap kagabi ay hindi na ulit siya tumawag. Wala na din akong natanggap na text mula sa kanya. Is he mad? Nagtatampo na din ba siya sa akin?

Sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa buhok ko. Unti unti akong napadilat.

Pakiramdam ko sa sobrang pagkamiss ko kay Taehyung ay siya ang nakikita ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling mawala siya sa paningin ko pero laking gulat ko nang ngitian niya ako at halikan sa pisngi.

"Ang antukin mo pala baby." Nakangiting sabi niya.

"T-taehyung?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes baby?" Nakangiti pa ding tanong niya.

Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang tuwa kaya niyakap ko na lang siya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit.

"I missed you baby." Malambing niyang sabi habang nakayakap na din sa akin.

"I missed you more." Sagot ko na bahagya pa siyang pinanggigilan kaya natawa siya.

"Halata nga." Mapang asar niyang sabi.

Imbes na mainis ay natawa na lang din ako. Kung mayroon pang ihihigpit ang pagkakayakap ko sa kanya ngayon ay baka hindi na siya makahinga.

"May mga pasalubong ako sayo." Nakangiting sabi ni Taehyung.

Katatapos lang namin kumain. Lumabas muna sila Jennie, Rose at Lisa para pumunta sa mini park na malapit lang dito. Gusto din daw nila kaming bigyan ng quality time.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sampung malalaking paperbag sa sala.

"Ang dami naman." Sabi ko at nagsimula nang tignan ang mga laman nito.

"Para kasing lahat ng damit ay bagay sayo kaya bumili ako."

Ang limang paperbag ay puro mga damit ang laman. Infairness, mukhang bagay nga sa akin ang mga ito. Sa tatlong paperbag naman ay mga bag. Sa isang paperbag ay mga jewelries at sa isa naman ay puro chocolates.

"Ang gaganda. Thank you baby." Sabi ko at niyakap ulit siya.

"Anything for you baby." Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. "I love you." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"I love you too." Nakangiting tugon ko.

"Sana wag ka nang magagalit sa akin ha. I hate myself for making you mad."

"I'm not mad. Siguro nagtampo lang ako." Nahihiyang sabi ko. "Miss na miss na kasi kita tapos ilang araw ka pang hindi tumawag sa akin."

Napayuko ako nang sabihin ko iyon. Bigla akong nahiya. Naghintay ako nang ilang minuto para sa sasabihin niya pero wala akong narinig kaya tumingin na ako sa kanya.

I saw him smiling from ear to ear.

"And i missed you too so much." He said while smiling. "I'm sorry for not calling you. Wala lang talagang signal. Alam mo naman na kapag may time ako tatawagan kita di ba?"

Nakangiti akong tumango. He's so honest. I really love this guy.

"Oo nga pala. Sinabi ko na kahapon kay Bang PDnim ang tungkol sa atin."

Bigla akong kinabahan ng sabihin niya iyon.

"Anong sabi?" Kinakabahan kong tanong.

"Okay lang daw." Tumigil siya saglit at ngumiti sa akin bago nagpatuloy. "Inaasahan naman na daw niya na magiging totohanan ang relasyon natin." Nakahinga ako nang maluwag. "How about you? Nasabi mo na ba kay YG?"

"Hindi pa. Medyo busy kasi siya ngayon." Nakaramdam tuloy ako ng guilt. "But i promise to tell him kapag may chance." Paniniguro ko.

"It's okay. Hindi naman kita minamadali. I trust you." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"I love you Taehyung. Thank you for trusting me."

Niyakap ko siya. Hindi ako nagsisisi na naging kami. I mean, peke man sa simula pero worth it naman. Kahit napagalitan ako dati masaya ako na heto kaming dalawa ngayon.

"I love you too, Kim Jisoo."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now