Chapter 16

2K 106 34
                                    

* Jisoo's PoV

"Ayyiiehh! Oh my god unnie! Parang totohanan na talaga ito ha!" Kinikilig na sabi ni Lisa.

Sabay sabay namin ngayong pinapanood ang first episode ng WGM namin ni Taehyung. Natatawa na lang ako kapag nahahampas nila ang mga unan sa akin kapag kinikilig sila.

"Iba ang mga tinginan unnie ha." Kinikilig din na sabi ni Rose.

"Bagay kayo unnie. Kapag hindi na ban ang dating sa atin you should date each other. For real." Nakangiting sabi ni Jennie.

Napangiti din ako at muli nang nanood. Kinikilig din ako kasi iba pala kapag napanood mo yung tingin sa akin ni Taehyung kapag hindi ako nakatingin sa kanya.

He looks so inlove..

Pero ayaw ko namang mag assume masyado. Inamin niyang gusto niya ako at hindi na din ako magsisinungaling. I like him too pero hindi pa pwede. Marami pa akong gustong gawin at marating.

I hope he can wait for me..

At sana hindi pa huli ang lahat kapag handa na ako..

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may rehearsal kami ngayon. Isa kami sa mga group na invited sa Korea Music Festival. Mas nakadagdag pa sa excitement ko ang katotohanang makikita ko ulit si Taehyung mamaya.

Nagsuot lang ako ng short, white blouse at rubber shoes. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang mahaba kong buhok.

Pagdating namin sa venue ay naroon na din ang iba pang grupo. Hinanap agad ng mga mata ko sila Taehyung pero wala pa sila. Nagkibit balikat na lang ako at pumunta na sa tent kung saan kami naka assign. Nanood kami sa labas ng tent habang nagpapractice ang Twice. Sumunod ang Apink, VIXX, NCT, BTOB, Got7, Red Velvet at kami.

Natapos na kaming mag rehearsed pero wala pa din ang BTS. Sila sana ang kasunod namin kaso wala pa sila kaya nauna na ang EXO. Nasa kalagitnaan ng practice ang EXO nang makita ko ang van ng BTS. Napakunot noo ako ng wala akong makitang Taehyung na bumaba doon. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Hi." Bati ko sa kanila. Muli akong sumilip sa van nila pero sarado na iyon. "Si Taehyung?"

"Hindi ba niya sinabi sayo? Hindi siya makakapag rehearse ngayon, nilalagnat kasi siya." Sagot ni Jimin.

Nagpasalamat ako sa kanila at bumalik sa tent namin. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at tinawagan siya.

"H-hello." Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang panginginig sa boses niya.

"Hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka. Are you okay? Uminom ka na ba ng gamot?" Nag aalalang tanong ko.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now