Chapter 22

1.9K 76 0
                                    

* Jisoo's PoV

Agad akong napangiti nang mukha ni Taehyung ang bumungad sa akin. May taping kami ngayon para sa WGM at hindi ko akalaing susunduin niya ako.

"Good morning baby." Malambing niyang bati.

Ang aga aga kinikilig ako.

"Good morning din." Nakangiting bati ko at pinapasok muna siya dito sa dorm. "Bakit sinundo mo pa ako? Dapat hindi ka na nag abala."

Nginitian niya lang ako at nagulat ako nang yakapin niya ako.

"I miss you baby." Napapikit ako dahil sa bulong niya.

Isang linggo din kaming hindi nagkita dahil busy sila masyado. Malapit na din kasi ang Wings Tour nila sa Japan kaya todo handa na ang ginagawa nila.

"I miss you too." Sabi ko matapos din siyang yakapin ng mahigpit.

Magkahawak kamay kami nang bumaba kami sa van ng makarating kami sa apartment namin. Kitang kita namin ang kilig sa mukha ng mga staff na kasama namin. Nginitian ko din sila ng matamis.

Ang scene ngayon ay yung kunwaring bagong gising kami na magkatabi sa pagtulog kaya agad kaming nagpalit ng damit. Yun lang ang sinabi ni direk at kami na ang bahalang mag adlib.

"Good morning." Ngiting ngiting bati ni Taehyung na akala mo talaga bagong gising.

Nakayakap pa siya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi kiligin.

"Good morning." Babangon na sana ako pero hinila niya ako pabalik at muling niyakap.

Imbes na magprotesta ay niyakap ko na lang din siya. Sana ganito na lang palagi. Sana kung may darating mang problema ay malampasan namin.

Mukhang hindi ko kakayanin kapag naghiwalay kami..

Inaayos ko na ang niluto kong omelette nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.

"Ang clingy mo." Natatawang sabi ko.

Lalo akong natawa nang bumitiw siya at humarap na nakabusangot sa akin.

"Ayaw mo ba sa clingy?" Tanong niya.

Napangiti ako sa kacutean niya.

"Gusto ko. Basta ikaw." Malambing kong sagot kaya naman agad na nagliwanag ang mukha niya.

Habang kumakain ay sinusubuan din niya ako. Kung hindi ko pa siya susubuan ay hindi siya makakakain dahil ako lang ang inaasikaso niya.

"Kumain ka din." Sabi ko.

After kumain ay pinagtulungan naming hugasan ang mga pinagkainan namin. Naglinis din kami sa apartment kahit malinis naman na talaga. Pagkatapos noon ay nanood kami ng movie sa laptop niya.

Pareho kaming nakaupo sa sofa habang nakapatong naman sa mini table na nasa harapan namin ang laptop. Maya maya ay bigla siyang humiga at ginawang unan ang lap ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Manood ka nga doon." Natatawa kong saway dahil hindi na niya inalis ang paningin sa akin.

"Mas maganda ka kaysa sa movie." Nakangiting sabi niya.

Kinikilig na naman ako..

"Bolero." Sabi ko na lang.

Binalik ko ang tingin sa pinapanood namin kahit parang matutunaw na ako sa mga titig niya. Pakiramdam ko nanghihina ako. Nakakailang pero masaya ako dahil sa akin nakatuon ang buong atensiyon niya.

Napatingin ako ulit sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay ko.

"I love you." Mahinang bulong niya kaya napangiti ako.

"I love you too." Bulong ko din.

Nakakahiya mang aminin pero pakiramdam ko teenagers lang kaming dalawa. Yung feeling na nagsisimula pa lang yung kilig na nararamdaman niyo.

Ayaw ko nang matapos ang ganitong pakiramdam..

-----------------

Nakaalis na sila Taehyung kahapon papuntang Japan para sa Wings Tour nila. Naging abala din ako sa taping sa Inkigayo at practice para sa nalalapit naming comeback.

Kahapon lang siya umalis pero miss na miss ko na siya.

"Nasabi mo na kay Papa YG unnie?" Tanong ni Jennie habang nakahiga ako sa sofa at siya naman ay nagbabasa.

"Hindi pa." Napabuntong hininga ako. "Masyadong busy si Papa YG ngayon. Hindi ako makahanap ng tiyempo."

"How about Taehyung? Nasabi na niya sa manager nila?"

Napaisip ako sa tanong niya. Hindi pa namin napag uusapan ni Taehyung ang tungkol doon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Nasabi na ba niya? Kung sakaling hindi pa? Pareho kaya sila nang magiging reaksiyon ni Papa YG?

Will they hate us?

Paglalayuin ba nila kami?

Gabi na pero hindi pa din iyon mawala sa isip ko. Habang tumatagal na hindi nila alam ang tungkol sa amin ay mas nag aalala ako.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now