Chapter 45

1.2K 39 0
                                    

* Jisoo's PoV

Isang linggo na ang lumipas simula noong magkabalikan kami ni Taehyung. Hindi na namin pinatagal pa dahil mahal naman namin ang isa't isa. Yun nga lang ay napagdesisyunan naming ilihim muna iyon sa iba lalo na sa mga fans. Ang tanging nakakaalam pa lang ay ang mga kagrupo namin. Tapos na ang dating ban ng grupo pero gusto ko munang ilihim. Hindi ko din alam pero parang nagkatrauma na yata ako. I don't want to lose him again. Baka hindi ko na kayanin.

Madalas na din kaming mag usap kapag nasa set. Palagi din kaming sabay na kumakain. Noong una ay nagtaka pa ang mga kasama namin pero hindi din naman nang usisa pa. Siguro ay iniisip na lang nila na ginagawa namin ito para mas maging maayos at hindi na kami mailang sa mga scene namin.

Nalaman ko din na siya pala yung tumawag sa akin noong nakaraan na hindi naman nagsasalita. Napailing na lang ako ng sabihin niyang namimiss na niya ang boses ko kaya siya tumawag.

Halos wala kaming pahinga sa taping ngayon dahil next week ay aalis ng bansa sila Taehyung para sa world tour concert nila.

Hinablot ni Terrence ang braso ko kaya wala akong nagawa kundi ang harapin siya.

"Ano bang problema mo?"

"Totoo bang kayo na ni Brix?" huminga ako ng malalim bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.

"Hindi. Wala akong boyfriend. Single ako. Pwede ba Terrence? Wag niyo akong guluhin ng kaibigan mo." aalis na sana ako pero napatigil ako ng marinig ang sunod niyang sinabi.

"Liligawan kita." nilingon ko siya at napailing na lang.

"Ang kulit mo."

--------

Kinuha ko ang towel ko at ipinunas sa aking mukha at leeg. Katatapos lang ng session namin ni Jennie sa flying yoga. Umiinom ako ng tubig ng magring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa aking bag at napangiti ng makita kung sino ang caller.

"Hi baby.."

"Hi to you too." nakangiting sagot. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

Tinignan ko si Jennie na umiinom ng tubig sa aking harapan at nakita ang mapang asar niyang ngiti sa akin na inilingan ko lang.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagpapahinga. Katatapos lang ng yoga."

"Let's meet later? Kain tayo sa restaurant. You know, dinner date. I already made a reservation."

"Baby.." alanganin kong sabi.

"Sa private room naman tayo. Walang makakakita sa atin. Kinausap ko din ang manager at sinabing kakasuhan ko sila kapag may lumabas na picture natin kinabukasan." napabuntong hininga ako.

"Fine. Mukhang planado mo na eh."

"Yes!" natawa ako ng sumigaw siya. "Susunduin kita mamaya sa dorm niyo. I love you baby. So much."

"I love you too baby."

"Dinner date?" nang aasar na tanong ni Jennie ng ibalik ko na ang cellphone sa aking bag.

"Yup."

"I'm so happy for the both of you Unnie." nginitian ko siya. "Sa wakas matutuloy na din ang love story niyo."

Nang makauwi sa dorm ay nagpahinga muna ako bago ako naghanda para sa dinner date namin mamaya ni Taehyung.

Sinuot ko ang red dress ko na may manipis na strap sa balikat at hanggang tuhod ang haba. Simpleng sandals na may two inches heels ang aking ipinareha. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking itim na buhok na umabot na sa aking baywang. Light make up lang din ang aking nilagay sa mukha dahil mas gusto daw ni Taehyung ang natural kong mukha.

"Nice Unnie! Ang ganda mo!" tumitiling sabi ni Lisa.

"Aww.. Kaya naman inlove na inlove si Taehyung oppa." sabi naman ni Rose.

Nakangiti sa akin si Jennie habang inaayos ang aking buhok. Nang magtext si Taehyung na nasa labas na siya ng building ay nagpaalam na ako kina Lisa.

Nang makalabas ay nakita ko agad si Taehyung na nakasakay sa isang itim na kotse. Nakababa ang bintana at kinakawayan ako. Binuksan niya ang pinto mula sa loob kaya sumakay ako agad.

"Bumili ka ng bagong sasakyan?" gulat kong tanong.

"I miss you too baby." sagot niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "You look beautiful as always."

"Thanks but when did you buy a new car? Nasaan na yung dating sasakyan mo?" gulat pa ding tanong ko.

"Bumili ako ng bago." kinindatan niya ako at siya pa mismo ang nagkabit sa aking seatbelt. "Ikaw kasi ang naiisip ko kapag nakikita ko yung lumang kotse ko kaya noong naghiwalay tayo naisipan kong bumili dahil para akong mababaliw sa kakaisip sayo. Nandoon sa bahay nila Mama yung luma."

"Wow." tanging nasabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay kaya natawa ako. "And yes, I miss you."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now